Opening a Bank Account in the Philippines
Paano ba mag-open ng bank account in the Philippines?
Ito ay para sa mga young students o iba pa na nagtatanong kung paano magkaroon ng bank account. Sa isa kong blog, merong mga nagtatanong kung paano raw mag-open ng account sa bangko dahil hindi pa raw sila nagbabangko at wala raw silang alam kung paano.
Una, huwag kayong mahiya na pumasok sa bangko para mag-open ng account. Sa totoo lang, gusto ng banks na marami silang depositors. Mas maraming pera na nakadeposito sa kanila, mas kikita sila.
Kung merong mga banks na strict sa mga account opening requirements, ito ay dahil nasa status na sila na puede na nilang piliin ang customers nila. Depende rin sa bank branch. Merong mga bank branches na by-the-book sila sa requirements; meron ding napapakiusapan. Ang mga bank branches ay bumabagay din sila sa kung anong klaseng neighborhood sila located.
Ang pinakamadaling i-open na bank account ay ang ATM savings account. Ito ay walang passbook. Mas mababa ang monthly average daily maintaining balance nito kesa sa passbook savings account.
Meron ding tinatawag na cash card na ini-issue ng banks. Parang bank account din ito. Mas madali pa itong i-open kesa sa ATM savings account, pero ito ay hindi regular savings account. Hindi ito insured by the Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC). Kung gusto ninyo ito, meron akong articles about cash cards — Cash Cards for Students and Cash Cards for OFWs.
Ano ang mga kelangan para makapag-open ng ATM savings account?
Ang basic requirements ay:
1. Two valid photo IDs (postal ID, digital SSS ID, driver’s license, passport, voter’s ID, or company ID. For a complete list of valid IDs, scroll down)
If you’re a student, bring your student ID or school ID and your NSO-issued birth certificate.
2. Two 1×1 or 2×2 ID pictures
Merong mga banks na okay na ang 2 valid IDs lang, kahit wala pang picture, o kahit isang picture lang. Pero lahat sila, hahanapan ka ng IDs.
Merong ding banks na hahanapan ka pa ng proof of address, such as Meralco bill, telephone bill o water bill.
Merong mga special na ATM savings accounts, katulad ng special OFW account na hahanapan ka ng OFW contract o remittance receipt.
How to apply for an ATM savings account:
Ang pag-a-apply ng account ay personal. Hindi puedeng magpa-open ka sa ibang tao. Dahil meron kang mga pipirmahan. Kukunin ang iyong signature.
Punta ka lang sa New Accounts counter at sabihin mo na gusto mong mag-apply for an ATM savings account. Merong ibang teller, tinatanong pa kung bakit gusto mong mag-open ng account. Sabihin mo lang, gusto mong mag-save, o para sa remittance. Hihingin ang IDs mo at bibigyan ka ng forms na susulatan at pipirmahan.
Ipa-process ng teller ang application mo, kukunin ang initial deposit mo, o ikaw ang padepositohin sa deposit counter. In many cases, makukuha mo agad ang ATM card mo. In some cases, pababalikin ka after 3 or more days, kasi ipi-print pa nila yong name mo sa ATM card mo.
Keep your initial deposit slip, kasi nakasulat diyan ang Savings Account Number mo. Kalimitan, yong nakasulat sa front side ng ATM card ay Card Number, at hindi ito ang account number. Kapag magdeposit ka over-the-counter, o mag-apply ka sa Internet banking, or hingian ka ng account number ng OFW relative o friend abroad, ang gagamitin mo ay Account Number.
Ang card number, yong number sa card, usually nagagamit lang yan ng bank para ma-link yong atm card mo sa account number mo.
Pero kapag Cash Card account ang inopen mo, important ang card number (yong number sa atm card mo), kasi yan ang gagamitin mo kapag mag-deposit ka sa Cash Card account mo. Walang ibang no. — yang nasa atm card mo, yan ang Cash Card no. mo.
Ano ba ang mga hinihinging information sa mga application forms?
– Complete name
– Address
– Telephone No.
– Cell No.
– Date of birth
– Place of birth
– SSS No. or TIN No. or GSIS No. (kung wala, ilagay mo lang NA)
– Civil status
– Sex
– Occupation (kung wala, ilagay mo student, housewife, househusband, or self-employed)
– Name of company or employer (kung wala, ilagay mo self-employed, or OFW spouse)
– Address of company (kung wala, NA)
– Phone No. of company (kung walang company, NA)
– Source of income (employment, self-employment, or business, or OFW remittance)
– Name of spouse
– Address of spouse (puedeng “same as above”)
– Name of parents (in some forms)
– Mother’s maiden name (in some forms)
– Your signature
What is PIN number?
Ito yong number na pipindutin mo sa ATM machine para makawidro o maka-balance inquiry ka.
Ito ay manggagaling sa iyo. Puedeng 4 digits lang, puedeng 6, depende sa bank.
Maraming banks ngayon, bibigyan ka muna ng default number, o initial PIN number, tapos papalitan mo ang PIN number na ito sa gusto mong number using the ATM machine. Mag-isip ka ng number na madali mong tandaan pero mahirap hulaan ng mga taong merong alam na personal information about you. Bakit? Para kung mapulot nila yong ATM card mo, hindi nila mahulaan ang PIN mo at hindi nila mawidro ang pera mo.
What are the penalties and fees na puedeng maibawas sa balance ng aking bank account?
1. Kapag mas mababa ang balance sa required maintaining balance
Kapag below maintaining balance ka, 100 to 300 pesos ang ibabawas sa deposit mo at the end of the month. Most banks do this if your balance has been below the balance requirement for two consecutive months. Magkasunod na 2 months.
Merong banks na nagbabawas na ng penalty kahit 1 month ka pa lang na below the required balance.
2. Kapag nagwidro ka sa ATM ng ibang banks.
For every withdrawal in another bank’s ATM, you’ll be charged at least 10 pesos. Meron ding charge ang balance inquiry.
3. Dormancy fee
Mangyayari ito kapag ang account mo ay natulog nang two years or more — walang withdrawal, walang inquiry, o walang deposit. Mababawasan ang deposit mo ng 200 pesos, 300 pesos or higher for every month after 24 months of no activity.
Ano ba ang Monthly Average Daily Balance? o Maintaining Balance? o MADB?
Sa basic na pag-explain, ito ay yong lowest amount of money na dapat laging nasa bank account mo para hindi ka mabawasan ng below-maintaining balance penalty.
Halimbawa, sabi ng bank ang maintaining balance ay 1,000 pesos — dapat laging merong 1,000 pesos sa account mo, dapat hindi bumaba sa 1k, dapat hindi mo bawasan.
Merong mga banks na ang maintaining balance rule nila ay hindi Monthly Average Maintaining Balance, kundi Maintaining Balance talaga. This means na kahit isang araw lang bumaba ng 1k yong account mo, babawasan ka na ng penalty at the end of the month.
Yong iba, Monthly Average Maintaining Balance (MADB) — meaning puede kang maghabol. Example, one week na 500 pesos lang ang balance mo. Ang gawin mo, after yang week na yan, mag-maintain ka ng much more than 1k para kapag mag-compute na sila, ang lalabas na average daily balance mo ay 1k or more pa rin.
Dito na papasok yong benefit ng mag-open ng savings account na mababa ang maintaining balance. Para hindi ka parating nababawasan kung hindi pa stable ang iyong kaperahan.
At kung pang-receive ng money lang talaga ang purpose mo, katulad ng remittance or allowance, Cash Card na ang wise option, kasi karamihan sa mga ito ay walang maintaining balance requirement.
Valid IDs for transactions with banks and other financial institutions:
(Source: Bangko Sentral ng Pilipinas, Circular No. 608, Series of 2008)
Passport
Driver’s license
Professional Regulation Commission ID (PRC ID)
National Bureau of Investigation Clearance (NBI Clearance)
Police Clearance
Postal ID
Voter’s ID
Barangay Certification
Government Service Insurance System e-Card (GSIS e-Card)
Social Security System card (SSS card)
Senior Citizen card
Overseas Workers Welfare Administration ID (OWWA ID)
OFW ID
Seaman’s book
Alien Certification of Registration (ACR) or Immigrant Certificate of Registration (ICR)
Government Agency ID, such as Armed Forces of the Philippines ID or Pag-ibig Fund ID
Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
Certification from the Department of Social Welfare and Development (DWSD)
Integrated Bar of the Philippines ID (IBP ID)
Company IDs issued by private companies or institutions registered with the BSP, SEC or IC
For students:
School photo-ID signed by the school head or principal
Opening a Bank Account in the Philippines
How to Open a Bank Account in the Philippines
Related Articles:
Savings Accounts for OFW Remittances
Best Savings Accounts for Students in the Philippines
Savings Accounts in the Philippines with the Lowest Maintaining Balances
Top Savings Banks in the Philippines, Based on ROE Dec 2010
Savings Accounts for Kids in the Philippines
Philippine Checking Accounts with Low Maintaining Balance Requirements
tanung lang po student pa po aq,, bkt po mas mhrap mag open pag savings account na may passbook kaysa sa atm savings account lng po.. possible rin po ba na tumubo ung pera q sa account ko po without depositing money.?prang nabasa ko kc sa ibang site na may interest ung pera mu
Question from Janel Logrono:
I'm a student. Why is it more difficult to open a passbook account than an atm savings account. Is it possible that the money in my account grows without depositing money. I've read in another site that there's interest for my money.
ANSWER:
Passbook accounts have much higher maintaining balance requirements. Since you're a student, the teller will probably advise you to start with an atm savings account since the maintaining balance requirement is lower. For BDO, their passbook account requires a maintaining balance of 10,000 pesos. Their atm savings account requires only 2,000 pesos.
Your money earns interest if you maintain at least the required monthly maintaining balance. Your get interest even if you don't deposit as long as your money in your account is equal to or more than the maintaining balance requirement.
You should also make a deposit or withdrawal at least once every 2 years so your account does not get dormant.
F ang deposit ko ay 10,000 at hindi q na withraw, magkano ang interest nito within 2 years?
Gud pm po . Sa requirements po kasi ng pag totourist ko isa po dun yung bank account po . Sa Citibank ko po gustong magpagawa . Pero paanu po ba ang pagggawa ng bank account at magkano po kaya ang magagastos nun . Saan po bang bangko yun ? Sa Quezon po ako nakatira . need ko lang po … Thank you ..
Gud am po… may tanong lng po aq.. about sa account q sa BPI na galing po xa sa company n pinasukan ko… hindi ko na po siya na lagyan na pera mga liman buwan na at alam ko mababa siya sa maintaining balance kas8 mawithdraw ko n po lalos lahat. Ngayon, kailangan ko na po siya ulit.. pano po kaya un… pano po kung may pumasok n pera, automatic na mababawasan siya a5 magkano kya?? PLEASEHelp
Ano po kayang klasing account ang pwede para sa business transaction.. pwede ba yung BPI express savings yata un.. un kasi ung dati kung account n galing sa compny na pinasukan ko. Kaso 5 month ko na syang di ginagamit..
Question from jafet gimenez
Gud am po. about my account with BPI from the company where I worked. I haven't deposited to it for about 5 months. and I know it's below the maintaining balance because I withdrew almost all. Now, I need it again. What happens if I deposit to it, will it automatically be deducted with penalty? and how much? PLEASE help
What type of account is good for business transaction. Is the BPI express savings good? That was my first account, which was from my previous company, but I haven't used it for 5 months.
ANSWER:
Hi jafet, usually payroll accounts of big companies are zero-maintaining-balance accounts, as the companies are the ones maintaining corporate account balances. I don't know if your payroll account is like that. I think that you open your own account. Go to a BPI or BPI Family and open a BPI Easy Saver (no maintaining balance requirement, but there's a 5-peso fee for every atm withdrawal and every balance inquiry). You can also open a BPI Family atm savings account — the maintaining balance requirement is only 1,000 pesos. You can use these for business transactions.
Thank you po sa info. May tanong po ulit ako. Ano po kayang bank account ang mas maganda sa business transactions online, mas madaling mag-open ng own account bukod po sa PBI??
About po sa payroll acount ko galing company, sinabi po sa amin noong kumuwa kami ng backpay, magigi na namin sariling account yun. Kailangan lng nga dw po may maintaining balance na. Pero yun nga po di ko siya nagamit. Baka po sakaling hindi na ako mag-open ng new account at yun na lng… thanks po
anong ko lng po magkano po ang pinakakamababa na pwedeng ideposit pag bagong open po ng ATM savings account?
About lowest deposit amount October 9, 2015
Question: How much is the lowest amount that I can deposit to a newly account? Of if I open a new account?
ANSWER:
For account opening, it depends on the bank and the account type or product. If this is BDO atm savings account, the lowest is 2,000 pesos. For BPI Family Bank atm account, it's 1,000 pesos. For BPI Easy Savings, it's 200 pesos plus 50 or 100 for the atm card. There are bank accounts that require only 500 pesos.
If you're depositing to an active account, you can deposit any amount, from 100 pesos and upwards.
tanong lang po. kapag po ba may utang sa mga credit cards like BDO OR metro bank mahihirapan po ba ako makapag open ng account sa ibang bangko. salamat po.
About opening a bank account when one has delinquent credit cards November 5, 2015
If I have debts owed to credit cards issued by banks like BDO or Metrobank, can I open an account in other banks? Thanks a lot
ANSWER:
Previously, credit card delinquency does not affect opening bank accounts in other banks. It's only now I'm hearing issues like this. You can try to apply for an account in other banks. Some might deny your application, but some might accept. Try opening in thrift banks that are not members of the Credit Card Association of the Philippines.
Hi, I hope you'll be able to read this.
Uhm, Gusto ko po sanang mang open ng ATM savings account sa BDO kasi sa Manila ako ngayon nakatira (student) and my parents are in Paranaque. My problem is tuwing nauubos na yung pera ko na bigay nina daddy kailangan ko pang umuwi sa bahay namin. Hassle minsan kasi traffic at mahaba ang byahe. Kaya I'm planning to open an ATM savings account. Alam ko na po kung paano mag-open kasi malaki na yung naitulong ng blog na 'to. Thank you po. Pero yung gusto ko po sanang itanong ay kung paano po magdedeposit sina daddy ng pera sa ATM ko? Do they have to go to the bank? Saka pano po yung process ng pagdedeposit nila?
Hello Student in Manila, resident of Paranaque:
Mas okay para sa parents mo kung ang bank mo ay merong branch na malapit sa bahay ninyo sa Paranaque. Meron bang BDO branch malapit sa inyong house? Kung meron, punta lang sina daddy mo sa bank, mag-fill-up ng deposit slip (your name, account no., date, yong perang idedeposit, halimbawa 500 | 3 | 1,500 or 100 | 12 | 1,200 at total amount. Tapos ibigay sa teller, at kunin nila yong kopya nila ng deposit slip. After deposit, puede mo nang iwidro diyan sa Manila. Walang bayad ang deposit kasi within Metro Manila pareho kung saan nag-open ng account (Manila) at nagdeposit (Paranaque).
Merong maintenance requirement ang BDO atm savings account — 2,000 pesos. Dapat i-maintain mo ito, at huwag mong widrohin.
If you like, puede yong BDO cash card, wala itong maintenance requirement, pero yong generic type nito ay up to 10,000 lang ang puedeng kargahin nito at a time. At merong fee pag magdeposit, 15 pesos pa rin yata. Meron ding fee for atm withdrawal, 2 pesos pa rin yata. Puedeng free ang deposit sa cash card kapag gagamit ng BDO cash accept machine to deposit. Merong cash accept machines sa BDO branches sa:
Airport Road
Better Living
Moonwalk
SM City BF Homes Paranaque
SM City Bicutan
SM City Sucat A
SM City Sucat B
Kaya lang i-enter ng daddy mo yong 16 digits ng cash card mo sa machine, kelangang i-practice mo sila muna.
Sige, tanong ka lang kung meron pa
Hi gusto ko mag karoon ng bank account tanong ko lang po kung ano po kayang bank account ang mas maganda sa business transactions online, mas madaling mag-open ng own account bukod po sa BPI? Thank you.
Hi I want to have a bank account. Which bank account is best for business transactions online, easier to open aside from BPI? Thank you.
ANSWER:
If you transact business online, you need a savings deposit account linked to Visa or Mastercard, like Union Bank Eon Visa, BDO Mastercard atm savings. EastWest Basic Visa atm savings. EON is an Internet-based account and does not require a maintaining balance but it charges an annual fee of 350 pesos and 10 pesos for every atm withdrawal. Here's info about Union Bank EON Visa. You need to take care of Eon as you can transfer online to any account without pre-enrollment. BDO atm account requires a maintaining balance of 2k. Eastwest requires 1k. BDO charges interbranch interregional deposit fee. EastWest and Union Bank do not.
Hi! Pwede bang postal id na lang para sa proof of address?
hi..kasi nakapag deposit na ako sa isang bangko tapos sabi follow ko lang dw yong tin number ko.kasi requirements nila tin number.pero nakapasa na ako ng postal id at baranggy clearance.paano kung hindi ko mapasa yong tin number.ano mangyari sa account ko.salamat
Gud pm po, ask ko lang po nagtrabaho kasi ako sa sm store ngayon po endo na ako at yong atm ko po sila po ang nagpagawa yun po ay payroll bdo cash card, ngayon po ang tanong ko pwede ko po bang gamitin yong atm nayun sa bago kong papasukan?
Use of BDO payroll cash card: Sorry, hindi ko sure kung nag-iba na ang policy ng BDO about their payroll cash cash. Dati kasi, kapag payroll cash card, hindi puedeng depositohan over the counter. Dapat sa online transfer lang. So kung online transfer ang gagawin ng new employer mo through their agreement with BDO, okay yan. Meron na ring BDO Cash Accept machines ngayon na puedeng gamitin for deposit. Tanungin mo na lang later yong new employer mo.
Gudevening po. nag open po ako ng savings account ngayon with 3k maintening balance. medyo pagod na ata yung teller na nakausap ko kaya di nya naipaliwag lahat… Ask ko lang po pag may 3k maintening balance, tama po ba yung 0.25% interest papasok sa account ko pag may 5k akong savings,kailan naman yung papasok yung interest every month po ba?
Interest for savings account: Ang habol mo na lang sa savings account mo is maka-save ka. Huwag mo nang intindihin masyado yong interest, kasi napakaliit. Yang 0.25% na yan ay annual interest rate, so ang monthly interest rate is 0.25/12 or 0.021%. Ang gawin mo na lang is save ng save, dagdag ng dagdag. Never mong kunin yong 3k pesos na maintaining balance para hindi ka na mahirapang mag-compute kung nag-comply ka ba sa maintaining balance requirement. Then kapag umabot na sa 50k pesos ang savings mo, puede mo nang i-time deposit para mas malaki ang interest rate.
Ang pag-credit nila ng interest is quarterly.
Tanong ko lang driver license at tin I.d lng meron asawa ko kaso po wala po kming billing pwede po ba young sa license na LNG gmitin para sa proff of address at magkano po and start deposits sa BPI
Driver's license to open a BPI account: Yes, your husband can present his driver's license and his TIN ID to open an account. Magdala rin ng 1×1 ID picture. Kung tanungin nila, i-explain nio na lang kung bakit wala kayong Meralco or Maynilad. At meron namang address nga sa driver's license.
Sa BPI Family, ang opening at maintaining balance ng atm savings account ay 1,000 pesos. Kapag Bank of Philippine Islands, 3,000 pesos, kaya mas okay kung sa BPI Family.
Ang BPI Family ay subsidiary ng Bank of Philippine Islands. Kelangang merong laging 1,000 pesos sa account para ma-maintain ang account at para walang penalty.
Hello po gusto ko po sana mag open ng account pero postal id lang po meron ako. Yung student id ko kasi expired na saka name ko payun yung dalaga ako.
Hello po gusto ko po sana mag open ng account pero postal id lang po meron ako. Yung student id ko kasi expired na saka name ko payun yung dalaga ako.
Hello po pano po ba kung babawasan ko ung maintaining bal.ko sa bdo na 2000 .tapos ang ibabawas ko po is 1k po pero ibabalik ko naman po ng 26..kasi 13 ngayon if iwidraw ko ung 1k.tapos ibabalik ko sa 26..magkaka penalty po ba ako ng 600..plsss help po salamat?
Pllsss po reply naman po kayo maraming salamat po??
Pllsss po reply naman po kayo maraming salamat po??
Hello po pano po ba kung babawasan ko ung maintaining bal.ko sa bdo na 2000 .tapos ang ibabawas ko po is 1k po pero ibabalik ko naman po ng 26..kasi 13 ngayon if iwidraw ko ung 1k.tapos ibabalik ko sa 26..magkaka penalty po ba ako ng 600..plsss help po salamat?
Hi poh tnung klng poh kpg naibgay k s iba tao account number k posible b mkuha nla laman ng atm card koh
Good morning po, tanong ko lang po if you maintained the monthly requirment balace magkano po ang interest?
EX. 2,000 pesos, magkano po madadagdag sa pera ko? salamat po.
hi gud evening po
gux2 koh po kc magkaroon ng aTm.
i want to save money through aTm at bDo..peo nd koh po alam kng ppanu??
at magkanu po ba dpat??
mai minimum po ba magsave at first timer na gaya koh?? pwde na po ba brgy.iD lng gamitin?? wla po kc aku ibang iD ee
hi po gud pm
pwde na po ba kng brgy. id lng gamitin sa 2valid id na required ung students id koh po kc sa probinsya pa nka address then nsa cavite po aku ngyon e
gux2 koh po mgsave ng pera at magkaron na dn ng atm kaso nd po aku mrunong kng anu ggwin koh??
at mgkanu ba dpat ang starting to save??
D na po ako students maari ko po ba magamit Yung school ID ko po pag mag process nang ATM? Meron Naman po ako birth certificate…
Hi Jamela: Kung new graduate ka pa lang, puede pang gamitin ang school ID, pero kung matagal ka nang wala sa school, hindi na, kasi expired na ang ID mo. Punta ka sa bank na gusto mo, at tanungin mo kung puede sa kanila yong digitized Postal ID, at kung puede, mag-apply ka sa post office nio ng postal ID. They need your birth cert and barangay certificate and maybe around 500 pesos for processing.
If married pala, bring your marriage certificate. Puede yong mga galing sa local registrar.
Hello po. Pwede mo mag ask ng questions?
Nagpa open acc po kase ako sa Landbank dahil dun po idedeposit yung pera namin na mga scholar. Tag iisang atm po lahat ng students na nakavail ng scholar ang problema po isang branch lang daw dapat pero sa dami ng students and pila na mahaba nagpunta po kami ng ibang branch pero Landbank pa rin po yung pinagpaopen namin ng acc? Pwede po ba yun? Kase ang sabi daw po may code daw po every branch. Kaya nagaalanganin kami baka di tanggapin yung card namin.
Good day. Pwede ko po bang kuhanan nang Remittance Savings Account iyong 6 years old ko na anak. Ano po ang mga requirements? Salamat po.
Hi po.ano po ung tawag sa klasi ng atm na nkuha ng nanay ko…? Di kasi ako direct makahulog sa account nya.kailangan send ko muna pera sa kanya at sya daw mismo magpapasok nito sa banko nya.di daw kasi ako pwdng magdirect na hubulog sa banko nya.kumuha sya ng atm with passbook.
Hello po, may ATM savings account po ako, trinay kong magwithdraw ng 100 pesos then in 2 months 600 na ang nabawas.. Bakit po ganun?
Hello po, may ATM savings account po ako, trinay kong magwithdraw ng 100 pesos then in 2 months 600 na ang nabawas.. Bakit po ganun?
Hi gusto ko lang po mag share ng experience ko sa inattendan ko na seminar libre po sya at talagang maraming matutunan tungkol sa Forex trading dito sa pilipinas. Kahit sa maliit na investment lang po ay malaki na ang maari nyong kitain dahil matututo po kayo kung paano din maging successful sa larangan ng forex trading dito sa ating bansa.
Tanong ko lang po.. Tama po ba na alam ng tao ang name account ko,account number,signature,address,mother maiden name? At kung mag oopen ulit ako ng another account hindi po ba sya mababawasan ang pera ko kahit na alam nila signature ko. Pero iba na ang account number safe parin po ba ako mag another account? Pakisagot po kailangan ko lang po salamat
Hi Jennifer, Atm-only account ba ang accout mo? Kasi hindi mawiwidro ang pera mo kung wala sa kanila ang atm card at hindi rin nila alam ang PIN mo, kahit alam nila ang details ng account mo. Kapag magwidro naman sila over the counter, hahanapan sila ng ID at pawiwidrohin muna sila sa atm. With-passbook ba ang account mo? Kapag passbook account, makakawidro lang over the counter kapag ipe-present ang passbook. so kung wala silang passbook, hindi sila makakawidro. Opening another account in the same bank? Yes, puede, basta different type of account. Kung closed account na, at mag-open ng new but the same type, yes, puede.
Hi i just open a new savings account at RCBC they ask for 2 valid Ids only. Na i open na ako ng atm savings account meaning cclaim ko na after 7days pero they are asking kung meron dw ako account sa other bann at kung anong type of acct ito. Sabi sakin i will provide them daw the SOA or passbook to present from my other bank account like Abdo upon claiming the newly applied atm savings sa kanila on the 7th day. Bakit sila nghihingi ng SOA sa other bank account ko pwede nman other documents aside dun. Btw, i am housewife opening new atm at RCBC for a savings coming from the salary or allowance of my husband. Thanks
Hi Kenji, puzzled din ako why they’re requiring you that document. Naisip ko lang: foreigner ba ang husband mo? Di ba kasi itong RCBC ay nagbayad ng 1 Billion pesos at napahiya din sila sa buong mundo dahil sa money laundering violations nila. So siguro naging strict na sila. Tanungin mo na lang kung puedeng screenshot na lang ng BDO account balance mo, kasi 100 pesos din ang bank certificate sa BDO at abala pa sa pag-request.
Pwede bang gamitinG ID ang NBI CLEARANCE POLICE CLEARANCE BARANGAY CLEARANCE SA PAG OPEN NG ATM ACCOUNT SA BPI? KASI SA BICUTAN BRANCH HINDI NILA INA ACCEPT YUNG CLEARANCE ID SAAN KAYANG BRANCH NAG AACCEPT NITO NEED KONA KASI MARAMING SALAMAT SA MGA SASAGOT
Hi Louigie, tanungin mo sa Bicutan branch kung i-a-accept nila ang postal ID, and then kung oo, magpagawa ka ng postal ID. Naghahahanap kasi sila ng plastic digitized ID na merong photo and signature.
Hi po active pa po b tong blog na to?
Ask ko sana kung yung may trabaho lang ba ppwd mkpagopen account?? Housewife po ako gusto ko sana magipon at ilagay yun sa savings account. Di po kame kasal ng partner ko. Meron naman ako mga valid i.D’s
Hi Jhope, yes, active itong blog. Busy lang. Good andito ako ngayon. Merong banks na strict sa proof of source of income, katulad ng EastWest Bank, kasi gusto nila na ma-maintain mo ang account, na meron kang dinedeposit (puedeng paminsan-minsan o madalas). Marami kasing nag-oopen, pero wala pang 1 month, winiwidro na lahat, tapos nako-close na yong account. Meron ding hindi strict sa proof of source of income. Bring your IDs. Yong BPI Family Bank, meron silang KAYA account, para sa mga nagsisimula, kaya nga lang merong 5 pesos fee for atm withdrawal. Pero hindi ka naman dapat widro nang widro dahil mag-iipon ka. Anong banks ba ang malapit sa inyo? Merong mga rural banks and savings banks na madali lang mag-open.
Pwede kayang philhealth ang ipakita kong Id sa pag open ng account?
Hi Aira, it depends on the bank. Landbank accepts Philhealth ID – the one in plastic. Usually banks ask for a second ID. Get a barangay ID or certification (with your photo – barangays now have webcams) from your barangay. If you’re not known by the barangay officers, present a certification from your church or your subdivision association that you live in your home address.
Hi,, po Anong bank Pwde open nG saving account na Pwede sa ibang bansa kc nasa Kwait yong bf ko pg Mgpadala cya ng pera ang hirap I claim kc ang daming tanong ,kapag mg open account AKo Pwde naba siyang Mgpadala Sa account ko… Salamat po sasagot
Hi Rosalie, okay ang BDO kasi maraming BDO remittance partners sa Kuwait at maraming BDO ATMs. Pag mag-open ka sa BDO, magdala ka ng receipts ng latest remittances addressed sa yo para maka-open ka ng Kabayan account (ito ay zero maintaining balance — ang requirement lang is foreign remittance to your account at least once every 24 months