Updated May 9, 2024
Ang BDO Maintaining Balance Penalty para sa ATM savings account is 300 pesos per month. Nagkaka-penalty ka kapag hindi mo name-maintain ang account mo sa dalawang magkasunod na buwan (2 consecutive months). Dini-deduct ang penalty sa last business day ng 2nd consecutive month na hindi mo na-maintain ang account mo.
Sample Question about BDO Maintaining-Balance Penalty:
Last June 30, my BDO ATM account was charged with a below-maintaining-balance penalty of 300 pesos.
On July 11, I deposited 1,000, making my balance 2,300, and higher than the required maintaining balance of 2,000 pesos.
On July 31, I was deducted 300 pesos again. Why?
Answer:
Your 300-peso deduction on July 31 was your penalty for falling below your required BDO Maintaining Balance for 2 consecutive months (June and July).
Your required Maintaining-Balance or required Average Daily Balance (ADB) every month for your ATM savings account is 2,000 pesos.
Your ADB in July was 1,977.42. This ADB is below the required 2,000 pesos.
To avoid BDO maintaining balance penalty, maintain your ADB every month.
Here’s how Average Daily Balance (ADB) for the month is computed:
Ganito lang ang formula —> Just add your daily balances from the 1st day to the last day of the month, then divide by 30 or 31 or 28 or 29 (total number of days of the month)
These are your daily balances from July 1 to July 31:
July 1 1,300
July 2 1,300
July 3 1,300
July 4 1,300
July 5 1,300
July 6 1,300
July 7 1,300
July 8 1,300
July 9 1,300
July 10 1,300
July 11 2,300
July 12 2,300
July 13 2,300
July 14 2,300
July 15 2,300
July 16 2,300
July 17 2,300
July 18 2,300
July 19 2,300
July 20 2,300
July 21 2,300
July 22 2,300
July 23 2,300
July 24 2,300
July 25 2,300
July 26 2,300
July 27 2,300
July 28 2,300
July 29 2,300
July 30 2,300
July 31 2,300
Let us compute your Average Daily Balance for the month of July.
The formula is:
Add all your balances everyday from July 1 to July 31
Divide the total balances by 31 days
The result is your Average Daily Balance for the month of July.
Total of Daily Balances from July 1 to 7:
1,300 x 10 days = 13,000
Total of Daily Balances from July 8 to 31:
2,300 x 21 days = 48,300
Total of Daily Balances from July 1 to 31:
13,000 + 48,300 = 61,300
Divide the Total for July by 31 days:
64,300 / 31 = 1,977.42
For BDO ATM savings accounts, the required Average Daily Balance (ADB) every month is 2,000.
Your ADB (1,977.42) for July is lower than 2,000.
It means you were not able to maintain 2,000 in July. You were also not able to maintain your ADB in June.
This is the reason why you were again deducted 300 pesos (the BDO Maintaining Balance Penalty). It’s because you were not able to maintain your required ADB of at least 2,000 pesos in June and July (2 consecutive months).
Note:
* Many banks compute ADB on the last business day of the month.
* If the last day of the month is a holiday, Saturday or Sunday, banks compute ADB on the last banking day of the month. Reference: ATM Savings
Tips to Avoid the BDO Maintaining Balance Penalty
. Kung hindi mo na-maintain ang 2,000 pesos na ADB itong current month, make sure na sa susunod na month ay ma-maintain mo na. From the first day of the month to the last day of the month, dapat andon sa account mo yong 2k or more.
. Kung palagi kang nababawasan ng 300 pesos na penalty, siguro it’s a sign na to look for an account with zero or low maintaining balance.
. Marami nang digital accounts ngayon na WALANG required na maintaining balance. Kahit initial deposit, hindi required. Licensed by the BSP din ang mga ito. At insured by the PDIC din ang mga deposits. Try any one of these digital banks:
- Maya Bank
- Union Digital Bank
- GoTyme Bank
- Uno Bank
- Tonik Bank
- OFBank
I-download mo lang yong mobile app from Google Play o Apple Store at sundin mo yong instructions. Be ready with your ID and be prepared to upload your selfie.
. Meron ding mga digital accounts offered by traditional banks: online accounts offered by Union Bank, Komo by Eastwest Rural Bank, at Diskartech by RCBC.
. Meron ding digital accounts offered by rural banks: SeaBank and Netbank
. Meron ding digital accounts na puede mong ma-open sa GCash: CIMB, Maybank, BPI, Uno. Just click GSave on your GCash app.
. Kung ayaw mo nang pure digital, meron pa ring yong mga accounts with low maintaining balance requirement, kagaya ng Landbank atm savings account na 500 pesos lang ang required ADB. Go to this post to see other bank accounts with low maintaining balance requirements.
..'thank u mam…mam may isa pa po ako na tanong..pwede ko pa po bang kunin ATM ko sa kabayan savings ko ngaung nandto na poh ako sa pinas sa branch na pnagkunan ko nang passbook ko..???…at ilang araw ko poh bago mkuha?'wala po kasi silang sinabi sa akin dati na balikan ko ATM ko poh.thank u po.
Bakit nabawasan ako ng 300 khit may maintaining balance nmn ung account ko..
Hi Beryl, yong account mo ba ay merong balance na at least 2k pesos EVERYDAY for the past 2 months? Kung hindi everyday, malamang hindi mo na-maintain yong required balance. To be accurate, hindi rin naman kelangan na andon yong 2k everyday, basta lang in other days, dapat ang account mo ay merong much more than 2k para kapag na-compute na sila ng everage daily balance for the month ay at least 2k pa rin ang result. You can ask BDO to return the 300 penalty if you believe you have maintained your balance.
Hi po kahit po ba days lang na hindi 2000 ang laman mag pepenalty parin po?
Hi Michiko, kung days lang na less than 2k, at merong laman (hindi zero balance), wala pang penalty, basta lang on the next month, andon yong 2k every day of the month, para one month lang hindi ka naka-maintain, na hindi 2 consecutive months. Pag 2 consecutive months, merong penalty na 300 at the last business day of the 2nd month.
NEED HELP po. Maam, ung sakin po kasi lagpas 1 year na po na walang transaction at hindi ko rin po na maintain ang 2k na maintaining balance sa buong taon nayon.. Di ko rin sure kung may naiwan akong 300 na balance or less than 300. Hindi rin po zero balance. Ano pong mangyayari sa account ko po? please answer po.. God bless.
Hi Marcelito, malamang closed na ang account mo. Malamang na-closed na noong last business day ng 2nd month na hindi na-maintain. Kung makadaan ka sa BDO atm, try mong mag-balance inquiry. Puedeng i-reject o pede ring merong message na “Invalid” or “No existing account”. Merong mga digital accounts ngayon na walang maintaining balance requirement: Komo by Eastwest or GSave ng CIMB via GCash. Download mo lang yong mobile apps then register. You need your government ID.
Hi mam!. Tanong ko lang po .kinuha kopa ung maintaining balance na 10k sa savings ngayong 20 dec lang po . Ask ko lang po kung ibabalik ko bukas ung 10k sa savings ko may penalty po ba? .thanks
Hi Mae, I hope noong winidro mo yong 10k ay meron kang itinira na balance doon sa account mo, kahit few pesos or cents. Kasi kung mag-zero balance ang account mo, automatic na mag-close ang account mo. About penalty: kung ngayong buwan ka lang nagwidro ng ganyan, wala pang penalty. Merong penalty after 2 consecutive (magkasunod) months na hindi mo na-maintain ang account mo.
Hello Maam ask ko lang po nagamit ko kase yung initial deposit na 2k bago mag Nov 30 and hnd ko po naibalik and may tinira po akong 100 kaso nawala na po yung sa debit card,, mag close na po ba yung account ko nun? Thank you po
Hi RJ, nag-zero balance na ang account mo? Kino-close nila automatically kapag zero balance na. Kapag November mo inopen yan account, kinuha na nila yong 100 kasi merong 300-peso penalty pag i-close ang account in less than 30 days. Mag-open ka na lang ng digital account katulad ng GSave account sa CIMB via GCash, o Komo ng Eastwest, o ING Bank. Idownload mo lang yong apps nila from Google Play. Prepare your ID and TIN no. (yong iba, they require TIN no.). Walang maintaining balance required sa digital account.
Hello. Paano po ang gagawin pag naclose na ang account? Dahil nag 0 balance na? Pwede pa po ito ipaopen?
Hi Jen, kapag BDO, ayaw nila ng reactivation. Mag-open ka na lang ng new account after some months. Or mag-open ka ng Komo (digital account from Eastwest, download mo yong app) or yong CIMB digital account (open it via GCash). These digital accounts do not require initial or maintaining balance. And they offer higher interest rates. Yong Komo, nagbibigay sila ng debit card after 2 to 4 weeks.
Hi Po ma’am itatanong ko Po Kung paano kapag 2k maintain balance ko SA BDO tapos nakuha ko yong 1,300 on Feb 24,2022 Ngayon tapos may 749 na natira at pag Feb,26 ,2022 na balik SA maintaining balance na 2k may charge po ba ako na 300 pesos or mablock Po ba ATM ko?
Hi Eva Jane, hindi ka pa macharge ng 300 kasi itong February ka pa lang hindi naka-maintain (1 month pa lang hindi maintained). Pero kung sa March ay hindi m uli ma-maintain, meron ka nang 300 charge sa March 31, kasi 2 consecutive months ka nang hindi naka-maintain. So huwag mong galawin ang 2k mo sa March
Hello po Ma’am. Meron po akong kabayan peso savings, march 10 ko po siya nakuhat at inactive pa siya kasi hindi ko kaagad na-change pin. Tanong ko lang po kung makakareceive pa rin ako ng pera kahit inactive pa yung card ko? Thank you po!
Hi Loisa, yes, active na yong account mo at makaka-receive na ng remittance o over-the-counter deposit kahit hindi pa activated ang card mo.
Mam pano po yun may iniwan akong 300 then nung binuksan ko ung online banking ko nag 0 balance siya dahil siguro sa penalty . Nagpadala pa naman yung asawa ko ngayon sa bank account ko so 4 hours pa bago pumasok yung pera pero nung binuksan ko yung mobile app ko 0 balance na siya papasok pa kaya yung pinadala ng asawa ko??
Mam pano po yun may iniwan akong 300 then nung binuksan ko ung online banking ko nag 0 balance siya dahil siguro sa penalty . Nagpadala pa naman yung asawa ko ngayon sa bank account ko so 4 hours pa bago pumasok yung pera pero nung binuksan ko yung mobile app ko 0 balance na siya papasok pa kaya yung pinadala ng asawa ko??
Hi Juday, nagtaka ako na active pa ang online banking mo kahit zero balance na. Usually kasi kapag 0.00 na, automatic closed na at pati online/mobile banking ay hindi na mabuksan. Bukas, kung okay sa iyo, punta ka agad sa branch nang maaga para baka mahabol mo pa at para ma-deposit yong remittance mo. Kung closed na ang account mo, at hindi na puedeng ireactivate, pupunta ang husband mo sa kung saan siya nagpadala para i-amend ang mode of remittance from “Deposit to Account” to “Cash pickup” para makuha mo over the counter. Merong reference number.
Hi Nora, I have a question. I have 10k maintaining balance. If ever I want to borrow 4k to my maintaining balance and return it on the 30th of the month. Will I have a penalty?
Hi Ally, if you’ve maintained 10k in your account last month (March) everyday from March 1 to 31, no, you won’t yet have a penalty on April 30 because you’ll only miss for 1 month (April). You’ll only get penalized if you fail to maintain your account for 2 consecutive months. Maintain your account from May 1 to 31 so you won’t have a penalty on May 31.
Hello po kaka widraw kolang po today then nabawasan kopo ng 500 pesos yung remaining balanve nalaman nung atm ma bllock napo ba agad yong card and pano po mababalik yung 500 don sa card para ma maintain parin po na 2k yung laman nung card salamat po
2k po kasi yung remaining balance nung card eh nabawasan kopo ng 500 ano po pwede mang yare at ano po pwedeng gawin paramabalik kopo yung 500 na nabawas ko sa 2k na remaining balance
Hi Ericka, active pa rin yong account mo kasi meron pa namang laman na 1,500 pesos. Para maging 2k uli, mag-deposit ka ng 500 pesos bukas, puedeng over the counter, mag-fill-up ka lang ng deposit slip. Merong mga open na BDO on Saturdays, usually nasa SM malls. Puede ring magdeposit sa Cash Accept na BDO atm. Meron bang mga days in the month of April na more than 2k ang laman ng account mo? Anong amount and how many days? I ask this to know kung na-maintain ang account kahit 1,500 ang balance on April 30.
Hello po ma’am Nora. Ask ko lang po kung active parin ba account ko kahit 500 nalang po natira for almost 1week siguro pero nakapagdeposit na po ako ng 13,000. Magwiwithdraw po sana ako kanina pero ayaw po pumasok ng card ko sa atm machine. Bakit po kaya?
Hi Abi, oo, active pa rin ang account mo. Basta itong August, make sure na meron at least 2k sa account mo every day from August 1 to 31 para ma-maintain mo ang account mo this August. (I assumed na atm ang account mo at hindi passbook account). Mag-try ka ng another bdo atm bukas, kasi merong mga machines na kelangang i-time mo yong pag-push mo ng atm sa machine. Yong i-time mo na nag-o-open yong atm slot. Make sure din na yong side ng card na merong “BDO” ang unang pumapasok sa slot.
paano po kung ma zero balance ko ang account ko na my required n 2000 maintaining balance?? anu po ang mangyayari??salamat po
Hi arnel, kung mag-zero balance ang account mo, mag-automatic close ang account mo. Hindi mo na ito mare-reactivate. Kelangang mag-open ng new account after some months kapag the same bank.
Hi Arnel, sorry now ko lang nakita ito. Pag mag-zero balance ang account, automatic na mag-close ang account. Puede mag-open uli with the same bank after some months. Puede kang mag-open ng digital account, like ING, Komo, OFBank (Landbank) or CIMB. Hanapin mo ang mga groups sa Facebook nitong mga banks na ito, marami kang mabasang comments.
good am maam,ask q lng po nagwidraw oo kac ako last dec.at natira nlang sa account q is 600 something hanggang ngaun d pa po ako nakapagdeposit closed naba ung account q maa?
Hi Rebecca, kung maintained ang account mo noong Nov 2021, hindi pa closed ang account mo. Dahil hindi maintained ang Dec and Jan (2 consecutive months), nagka-penalty ng 300 on Jan 31. Kung hindi mo pa rin ma-maintain this February, magkakapenalty ng 300 on Feb 28, at kung zero na ang balance, mag-automatic close na. Magbalance inquiry ka sa BDO atm para makita mo ang balance mo. Bukas, dapat merong 3,200 ang account mo, at huwag mo munang widrohin until March 1 para mahabol mo ang maintaining balance mo, at para wala nang penalty this Feb.
etong akin po ay nagkamisclick sa pag withdraw sa pag mamadali so ang nangyari is nasa 1985php nalang natira instead of 2k…. pwede ko ba kargahan ang bdo account ko ng atleast 50php sa ngyung mismong araw para maiwasan ang penalty?
Hi gilbert, yes puede, via online transfer. Yesterday or today.
hi poh mag kano poh ba Ang maximum pwde ideposit sa savings account Ng bdo?
Hi sophie, kahit magkano puede mong ideposit. Walang maximum. Lalo na kung over the counter. Kung ang gamitin mong pang-deposit ay Instapay, up to 50k per transaction. Pero dahil merong anti-money laundering law, usually (not all the time) tatanungin ng teller kung saan nanggaling ang big amount na idenedeposit mo. Usually mga more than 500k. Oobserbahan din ng BDO ang transactions mo. Halimbawa, lagi kang nagdedeposit ng big amounts, then iwiwidro mo rin agad o itatransfer mo rin agad to other accounts, tatanungin na ng BDO kung bakit ganon ang transactions mo. Ang mga corporate or business accounts, they can transact in the millions everyday.
Hello po ask ko lang po pano po kung ang balance nalang ng ATM debit ay 2 pesos.. tas pang 4 months na po ako na walang transaction.. di na po ba pedeng mag deposit ulit dun?
Hello po mam Nora, 2013 nag open po ako ng kabayan savings account, 2016 naging regular savings account na lang po sya. Nahihirapan na po ako imaintain yung 10K MADB. Pwede po kaya iclosed at papalitan ko ng ATM savings account?
Hi Rose Anne, yes, puedeng-puede. Sabihin mo agad sa BDO officer na gusto mong mag-open ng atm account (yong 2k ang maintaining balance) at iko-close mo ang Kabayan account mo, at itatransfer mo yong laman sa new atm account mo. Ookay yan sila. Maaaring tanungin ka rin nila bakit mo iko-close or tatanungin nila kung wala ka na sa abroad.
Hello po pwede ko po ba I withdraw Ang maintaining balance ko po sa BDO debit visa saving po xa Hindi po ba ma co close Ang account ko thanks po sa pag reply
Hi Tiffany, yes, puede, pero make sure na merong maiwan na kahit few pesos. Huwag lang zero. Kapag 0.00 na ang balance, automatic na mag-close. Ngayong April ka pa lang magwidro? If yes, it means na na-maintain mo ang account mo last March. So puedeng the whole month of April, hindi mo ma-maintain. But dapat on May 1, maibalik mo na yong maintaining balance at dapat andon sa account mo every day from May 1 to May 31 at nang sa ganon ma-maintain mo for the month of May, para hindi 2 consecutive months na hindi maintained. One month na hindi maintained, okay lang. 2 consecutive months na hindi maintained, merong penalty (300 pesos), then mag-close na automatically kapag less than 300 pesos yong amount na andon sa account.
hello po mam, ung bdo savings po ba kapag nag zero automatic sya na magclose agad?nagdedeposit lang ako ako lagi ng 300 , kaso nlimutan ko sya nitong katapusan 200 lang ang nakuha nila for penalty.. magcclose po ba agad ung account ko?
Hi chesa, malamang nag-close na automatically yong account mo, kasi nag-negative na. Ginagamit mo ba itong account for receiving remittance? At usually nakukuha mo lahat? Kung hindi naman lumalampas sa 25k pesos ang ipinapadala sa iyo, mag-open ka na lang ng BDO cash card — yong naka-emboss ang name mo sa card (sabihin mo sa teller; after 5 to 7 days mo nakukuha). Kahit nakukuha mo lahat pag cash card. Meron lang 2 pesos for atm withdrawal fee. Kung from abroad ang remittance mo, puede ring BDO Kabayan account ang i-open mo, magdala ka lang ng recent receipts ng remittance sa iyo (proof na merong nagpapadala sa iyo from abroad). Wala itong maintaining balance requirement, basta napapadalhan from abroad.
Hi Nora i have a concern too.
Depende po ba sa buwan(month) na naubus mo ung maintenaing bal mo yun din ang ba Per month po idededuct na 300 sayo. For example;
Nakuha ko ang balance ko January -March and bay 1stweek of April nagka meron ako nang pera na let say na dapat ang maintaining balance ko is 10k dapat and my pumasok sakin na 20k in my account at hndi ko pa yung nbabawasan until now on April 30 they deduct me 300php.. (300 penalty ba yun sa for January lang or talagang monthly nagdededuct sila??
Question: Mag babawas pa rin ba sila ng 300 sa month na or sa ilang buwan ko pa na wala ako maintaining bal for the last 3months?
Hi Jeddah, sa unang tanong mo: Ang 300-peso penalty ay ibinabawas sa last business day ng 2nd consecutive month na hindi mo na-maintain ang account mo. So kung hindi mo na-maintain ang account mo ng Jan to March, dapat nabawasan ka nong Feb 28 ng 300 pesos at another 300 pesos noong March 31. Dahil 1st week of April mo nadeposit yong 20k, malamang na-maintain mo ang April, so dapat wala kang penalty noong April 30.
Malamang yong 300 pesos na nabawas sa iyo on April 30 ay penalty mo noong Feb 28. Baka yong penalty mo noong March 31 ay pinatawad dahil sa covid-19 crisis. Nagtaka lang ako na hindi nila binawas yong 300 pesos na penalty mo noong Feb 28, at kung less than 300 pesos ang balance mo noon Feb 28 ay magiging negative ang balance, at mag-automatic close na — kasi ganon ang usual na nangyayari. This is one to be thankful for kung naremedyuhan ito.
Sa last question mo: hindi ko sure, kasi maaaring nag-cancel sila ng penalties because of the crisis. Kasi nag-start yong pakiusap sa mga banks to be more understanding in the middle of March. Kung from May 1 to May 31 ay merong at least 10k sa account mo, everyday, sure na wala kang penalty in the month of May.
Basta make sure lang na hindi magkasunod na 2 months na hindi mo ma-maintain ang account mo. Ok lang isang month, huwag lang magkasunod, at dapat merong laman na maiwan, kahit cents or few pesos, huwag lang 0.00.
Maalala ko pala, check your transactions, baka nakalagay doon yong for which month yong penalty.
Hi po Ms. Nora! Same situation po kami ni Ms Jeddah. Na maintain ko yung balance ko for the month of April while on the month of March hindi po. Pero they already deducted me nung March and April ehh. So bakit kaya may deductions ako ng April kung na maintain ko naman balance ko for month of april?
Hi Jin, kung may deduction ka on the last business day of March, ibig sabihin hindi mo rin na-maintain ang account mo in February. Kasi nag-de-deduct lang naman sila kapag 2 consecutive months na hindi maintained. Noong April naman, baka hindi mo pa rin na-maintain, kaya nag-deduct uli in April. Maliban na lang kung nagkaroon ng computer glitch sila. Yong 10k-maintaining din ba ang account mo? Since April 1 ba ay meron nang 10k ang account mo, everyday, until April 30?
Hi Nora, tanong ko lang po di po ba macclose yung atm account ko or babawasan yung 5k ko kahit di ko po nahuhulogan ng ilang years? pero may balance po akong 5k dun di ko po ginagalaw..thanks!
Hi chris, itong BDO account mo ba is yong atm-only savings account? yong walang passbook? Meron na bang 2 years na hindi mo nadepositohan or nawidrohan? If yes to 3 questions, ok pa ang iyong account at hindi nabawasan, pero na-dormant na ang iyong account, meaning na-hold siya, hindi na siya nag-iinterest. Ang solution is to visit your bank with your IDs and reactivate your account. Personal itong ginagawa.
Are you abroad? If your account is not reactivated within 10 years, your account will be forwarded to the Philippine Treasury. Puede mo pa naman habulin doon, pero mas maraming process ang gagawin.
Hello mam Nora ask ko lng po regarding po sa passbook atm ko gusto ko na po kc ule lagyan andto npo kc aq sa oman more than 1year napo un na close pde ko pa po ba buksan ule…
Hi Cecille, sorry, hindi mo na puedeng i-reactivate ang closed account. Ang gawin mo is to open a new account when you come home for vacation. Or puede mong tanungin ang Bank Muscat kung nagpapa-open sila ng BDO Kabayan account at kung magkano ang charge at kung kelan mo makuha yong passbook at atm card. Yong atm card ay maa-activate mo lang dito sa Philippines sa BDO atm, pero yong account ay puedeng depositohan o padalhan from abroad.
Hello po what if ang laman ng atm ko is 10,300 tapos kinuha ko ang 10k nang july 1 tapos ibinalik ko july 25 my penalty napo bayun?
Hi Shiela, BDO passbook account ito? At na-maintain mo ang account mo during the month of June? If yes, wala pang penalty kasi 1 month (July) ka pa lang na hindi naka-maintain. Kung 10k or more ang laman ng account mo every day from August 1 to 31, walang penalty. Ingatan mo lang na hindi magkasunod na 2 months na hindi mo na-maintain ang account mo.
Mam.tanong ko lang po kung withdraw k ang maintaining balance sa bdo k.pero babalik kurin sa may 10.mababawasan po ba
Hi Danilo, mag-iwan ka ng balance, 50 or 100 pesos, huwag zero. Pag zero na ang regular account, automatic mag-close. Magwidro ka May 1 para month of May lang ang hindi mo ma-maintain. Pag 1 month lang ang hindi na-maintain, walang penalty. Kapag 2 consecutive months (magkasunod na buwan) na hindi na-maintain, merong penalty.
Ma’am sa akin po is nag zero balance na po yung savings account ko sa bdo pero nagtry po ako na hulugan yung account ko pumasok naman po yung pera. Ibig sabihin po ba nun is actice pa rin account ko?
hello po mam/sir may tanong po ako pwde pa po ba akong magdeposit ulit sa account ko last ko nakapagdeposit jan 24 2016 pa po!pwde pa po ba nandito po ako sa ibang bansa..
paki email nalang po ako sa email account ko po thank you
melodybinas2@gmail.com
Maam pag po ba hindi na kami nakapag withdraw at may balance pang 300 sa passbook automatic po ba yun na after 2 years ma close na ang account? Ty po..
My question is same with Ella…
May related question din po ako.
What if ang ADM is above minimum pero ang month-end balance is zero (0), may penalty din po ba?
Thanks in advance po sa sagot..
pag ang account zero balance automatic close po ba un
Hi, nagclose po ba accoun nyo nhng nagzero balance or pwede pa.magtransfer ng o magdeposit doon? Salamat po.
Sakin po nahulugan ko pa kahit nag zero balance. Pumasok pa po pera ko
Hi Jane, na-credit sa account mo ang hinulog mo? At meron nang balance? Naiiba ang naging experience mo, kasi automatic na closed account kapag nag-zero ang balance. Baka meron pang cents. Or kung talagang zero, mabuti naman at okay pa ang account mo, at nalagyan mo pa, at na-credit pa. Kung nao-open mo pa ang account mo, at andon ang balance mo, oo, active pa ang account mo. Happy for you.
pag ang account zero balance automatic close po ba un
Hi po..nasagot na po ba tanong niyo kung.automatic po ba magkoclose if zero balance?
parang may mali ata bakit twice syang nag-karoon ng deduction dec 2015 at jan 2016 total of 600 pesos. hindi ba dapat 300 lang? diba 300 penalty for 2 consecutive months?
"Your 300-peso deduction was your penalty for falling below your required Maintaining-Balance for 2 consecutive months (December 2015 and January 2016)."
Hi! So the 300 peso deduction will still happen if I have below 2000 MADB even just for 1 month? Or like in BDO's site, they would only deduct after 2 consecutive months?
Yan din ang tanung ko falling in 2 consecutive months diba 300.00 lang? eh yun sakin on the next month na deduct ulit.. please enlighten me kasi sa rules nyo hindi clear sa amin mga consumer na hindi naman kalakihan ang iniimpok sa banko nyo malaking bagay samin yung kinaklatas na 300.00 even nasunod naman naming yung policy nyo
Question po what if 1month ng 1k lang laman ng debit card ko magpepenalty na po ba agad yun?
Hi Angela, kung 1 month lang, wala pang penalty. Kung last February ay 1k lang ang laman, dapat this March, dagdagan mo na, at gawin mo na ang balance ay more than 2k, kasi March 8 na ngayon. Kung hindi 2k ang magiging average daily balance this March, magpe-penalty ka ng 300 pesos on March 29 (weekends kasi ang March 30 and 31).
Man pwede Ba magtanong. March 31 na 1k Lang balance ng account q.. Pwede q paba mahabol mkapag deposit aq ng 1k.. O may penalty na ako?
Hi Maica, Noong bang month of February ay merong at least 2k pesos sa account mo everyday from Feb 1 to 28? If yes, wala ka pang penalty, kasi one month (March) ka pa lang below maintaining. This April, make sure na merong at least 2k pesos everyday from April 1 to April 30 para hindi ka ma-penalty.
Hi po Ms. Nora, ask ko lang po. kaka open lang po kasi nang account ko sa BDO, 2k po initial deposit ko. kaso due to emergency po, na withdraw ko po yung 1,500php over the counter dahil need po talaga. 500php na lang po naiwan sa account ko. question po, magco close na po ba yung account or deduction lang po na 300php? thanks po.
Hi anonymous101, hindi agad magko-close kasi merong naiwan na balance. Ngayong November ka ba nag-open? If yes, wala pang penalty this Nov 29. Try your best na makadeposit ng 1500 or more sa Dec 1 at huwag mo nang widrohin (dapat 2k or more yong balance every day from Dec 1 to 31), para nang sa ganun ma-maintain mo ang account for the month of Dec, para walang penalty. Nagkakaroon lang ng penalty kapag 2 magkasunod na buwan na hindi na-maintain.
yes po this november ko lang i-nopen. ganun pala yun, thank you Ms. Nora for clearing this up, medyo confusing po dati, ngayon naintindihan ko na. within this month naman po magde-deposit na ko para walang deduction. thank you again Ms. Nora! 🙂
Sa mga nagtanong uli kung bakit nadodoble yong penalty, nagiging 600 pesos, imbes na 300 pesos lang: First, hindi ko kinakampihan yong bank, ini-explain ko lang yong process nila.
Kung halimbawa, last Nov 29 ay nabawasan ka ng 300 pesos, that means noong October and November (2 months yan), yong average daily balance mo noong October ay below 2k at noong November ay below 2k din. Two consecutive months na yan. Ngayon, kung sa Dec 29 ay makita nila na hindi mo pa rin uli na-maintain ang required na 2k average daily balance sa month of December, babawasan ka uli ng 300 pesos in Dec 29. Bakit eh nabawasan na nga noong Nov 29 ng 300 pesos? Mababawasan ka uli sa Dec 29, kasi two consecutive months ka uli na hindi naka-maintain (Nov and Dec). Holidays na yong Dec 30 and 31, so sa Dec 29 na nagco-compute yong system nila.
Hello po …tanong ko lang paano po kung above minimum na yung laman ng atm hnd nba babawasan sa susunod na buwan
Madam paano po aq 6 months na wala aq deposit at wala na un maintaining balance na 2k pwede po ba aq mag deposit ngaun?eh d malaki po mababawas sa deposit q?
Hi Evelyn, malamang closed na ang account mo, kasi nagpenalty yan ng 300 pesos noong 2nd month na kulang sa maintaining balance. At kung nag-zero or negative na, automatic nang closed. Try mo mag-account balance sa BDO atm para makita mo kung active pa.
My concern is the same with her. Pwede po ba mag account balance thru bdo online app? Nag 0 balance na rin po kasi yung sa akin but im planning to deposit din po kasi but im worried na baka hindi ko ma withdraw since you are saying that if it is already 0 balance, magcclose na siya thats why im kind of confused if whether i would deposit or not.
Hi chrin, yes, ang regular account ay automatically nagko-close once nag-zero balance. Pero kung Kabayan account ang account mo, hindi nagko-close kahit zero balance, basta meron kang remittance from abroad to your Kabayan account at least once in 24 months. Kung more than 24 months na ang lumipas since yong last foreign remittance mo, maaaring closed na ang account mo. After 24 months na walang remittance, ikoconvert muna nila into a regular account, then kung zero balance, mag-automatic close. Kung regular account ang account mo at nasa abroad ka, huwag na munang magremit sa account kasi most likely closed account na. Puede namang magpadala for Cash pickup at BDO. If you like, puede kang magpadeposit ng 100 pesos sa relative or friend mo para subukan kung closed na ang account mo. Hindi na tatanggapin ang deposit kapag closed account na.
Hello good morning po maam.tanong ko lang po maam..Ung account ko po kc may maintaining bal. Na 2k tapos nung last day of december2019 na emergency withdraw ko po ung pera tapos hanggang ngayon po maam hnd na po nalagyan ng maintaining bal.automatic close account na po ba un maam?rhank you po
Hi Elgie, meron bang naiwan na balance sa account mo? Kahit cents or few pesos? Kasi kung ang balance ay naging 0.00 after nawidro mo yong 2k, automatic nag-close na yong account mo noong Dec 2019. Kung merong naiwan na few pesos, pero hindi mo na nadagdagan, malamang close na yong account mo, kasi nagpenalty yon noong end of Jan 2020 ng 300. Dahil wala nang 300 sa account, nag-negative, at nag-automatic nang na-close. Sorry for the delayed response, noong 21st pa pala ito. Siguro nag-check ka na sa BDO atm at nakita mong close na?
Hello po pwede po bang magtanong? Ok lang po ba magdeposit ng hundreds lang sa kabayan savings po weekly?may penalty po ba once na nagsimula ng mag ipon sa kabayan savings at nahinto ng matagal?..salamat po.
Hi Charlie, yes, puedeng mag-deposit weekly. Puede sa cash accept machine para hindi ka na pipila. I-flatten mo lang yong bills mo para tanggapin ng machine. Walang penalty basta dapat merong remittance from abroad to your account kahit minsan lang within 2 years. Kung walang foreign remittance within 2 years, mako-convert ang account mo into an ATM account at magre-require na ng maintaining balance na 2k pesos.
Hi, Miss Nora!
Tanong ko lang po, kapag hindi po ba ma-wiwithdraw-han, at nadedepositohan ang isang BDO Peso Savings Account, yung may passbook po. Anong pwedeng mangyari sa pera ko po?
Hi Dorothy, okay lang, active pa rin ang account mo, kahit walang deposit or withdrawal, basta hindi umabot ng 2 years na walang transaction at basta merong 10k pesos sa account. 10k pesos ang maintaining balance requirement mo kasi passbook account. Kapag 2 years na walang deposit o withdrawal, magiging dormant or inactive ang account mo. Kapag dormant na ang account, kelangang pumunta ka sa branch mo with your IDs at ipa-reactivate mo ang account mo.
Hello po. Nag open po ako online ng acc sa bdo last yr 2022 po. Pag punta ko po sa bdo mismo, hindi po nirelease yung atm ko since kulang daw po ako ng proof of income nawalan kasi ako ng work non PERO pinag initial deposit na po ako ng 2k. Balik nalang daw po ako para iclaim yung atm ko pag nakumpleto ko na requirements ko. So 2023 na po and nawala na sa isip ko na balikan yung atm ko po and balak ko sana iclose nalang yung acc. Ang question ko po is makukuha ko pa po ba yung 2k na initial deposit ko? Thank you po
Hi Nica, oo pera mo yon. Iwidro mo na lang over the counter. Fill up mo yong withdrawal form. Sabihin mo doon sa teller na hindi ka makawidro sa atm kasi wala kang atm card dahil kulang ka sa requirements at kelangan mo na yong pera. Hindi ko alam na nagre-require na ang BDO ng proof of income. Mag-open account ka na lang sa GoTyme sa Robinsons para makuha mo rin atm card agad. GoTyme is owned by Robinson’s parent company and it will merge with BPI soon.
Hindi ko nga din po alam. Madali po online mag open pero pag punta ko po sa branch ang dami po hiningi. Gusto ko lang naman itago yung natitira kong ipon sa bank sana. Hinihingan ako proof of income or kung allowance daw yung payslip nung nag bibigay saken 😅Hindi ko po alam kung natapat lang ba ako sa mahigpit o ganun talaga. Parang namaliit pa nga ako nung sinabi kong unemployed ako ang sagot saken “ha wala kang work? 27 ka na wala kang work?” E sa nawalan ng work ano gagawin 😅
Kaya tinamad na din akong balikan hehe! Anyway thank you po sa pag sagot ❤️
Hi Nica, hindi maganda yong pag-comment ng BDO employee about your unemployment. Sana sinabi na lang na policy nila na merong source of income. I hope nakuha mo na pera mo at nag-open na sa digital bank, like gotyme or UnionDigital or Maya. Thanks din for commenting
automatic po bang mag close ang account kapag zero balance na ng 10months?
Hello po maam tanong ko lang po pag ka po ba na withdraw po ang 10k na maintaining bal.automatic na po bang makoclose yon ? bgla po kasi kinailangan eh ,kakaopen lang po last sept.2019 it means 1month na pong wala ng laman.ang natira nlang po sguro 100 or 90 pesos ..Or pwede pa po kayang magdeposit po ako ng 10k for another maintaning bal.? pero kung close na po yun pwede po kaya na mag atm nalang ako ? Thankyou po …
Hi jovzz, merong natirang balance, so hindi pa siya close, pero mukhang hindi mo na mahahabol yong maintaining average for Nov, kaya magiging 2 months nang hindi mo ma-maintain ang account (Oct and Nov), so punta ka na lang sa BDO at mag-open ka ng atm account, at pag na-open na, i-close mo na yong passbook account mo, kasi mas challenging i-maintain ang 10k. Mas madaling i-maintain ang atm account dahil 2k lang ang lagi mong iiwan sa account.
Hi jovzz, yes, pag close na ang passbook account, puede kang mag-open ng atm account. Ang hindi ko lang sure kung the same ang rule nila sa na-close na passbook account. Kasi kapag na-close ang atm account, dapat palipasin muna ng 6 months bago maka-open uli. Hindi ko rin sure kung 6 months pa rin ang rule.
hi po mam ask ko lng po ngaun march 16 ko lng po nawithdraw ung 10k na maintaning balance ko sa atm kinailngan lng po gawa ng sitwasyon ngaun sa virus..automatic po ba macoclose account na po ba un..?cguro nsa 8 pesos lng po ang balance na lng sa atm ko..tpos pwd po ba ako mgdeposit ulet ng 10k sa may20 po..?
Hi beverly, sa BDO ka ba nagwidro? Nakita mo na around 8 pesos ang balance mo? If yes, active pa ang account mo. Na-automatic close lang kapag 0.00 na o negative ang naiwan. Kung May 20 ka pa makapag-deposit, mako-close na ang account mo sa April 30. Bakit? Kasi this month of March, hindi mo na-maintain. Month of April, hindi mo rin na-maintain. Kapag 2 magkasunod na buwan na hindi na-maintain, merong penalty na 300 pesos. Babawasin yong penalty sa April 30, so magne-negative ang account mo, at mag-automatic close na. If you like, mag-open ka na lang ng BDO ATM account (2k pesos ang maintaining). Yong BPI Family ATM account, 1k lang ang maintaining.
Goodmorning/goodafternoon po mam nora tanong ko lng Po Akala ko po kc my balance pa Yung saving account ko un pla na withdraw Ng asawa ko po yung 2k NUNG Feb tas hagang august ngayun po ng salary loan po ko sa sss tas nilagay ko po yung bank account sa bdo. NUNG Ng balance po ko invalid. Ma re-activate po kaya un baka Po kc napadala Ng sss Yung loan ko po
Hi Jeffrey, sad to say, hindi nagre-reactivate ang BDO ng closed account. Mag-open ka na lang ng new account sa ibang bank (PesoNet-member bank) at iresubmit mo sa online SSS account mo. Icheck mo ngayon yong Benefit Re-Disbursement Module sa online SSS account mo, merong remarks doon kung napadala ang loan mo at hindi na-credit dahil closed account.
Hi Maam Nora, Ngayon ko po balak sana mag withdrw ng 1700 for emergency sa Maintaining Balance ko Oct 29, bali firstime po to na hihiram ako bali last month ng Sept maintained tlga. Bali next month Nov 5 pa lang magkakaroon o maibabalik. Magkakaroon po ba ng penalty if I will maintain my account from nov 5 to current na ang laman ay 2K? Thanks
Hi Paolo, sorry na-miss ko ang tanong mo. Sana na-resolve mo rin itong concern mo. Kung 2k ang maintaining balance at exactly 2k ang andon at babawasan mo for some days for the months of October and November, magkakaroon ka ng penalty sa end of November. Kasi hindi mo na-maintain ng 2 consecutive months (Oct and Nov). If you can, sana over 2k ang laman ng account sa month of November, mga 2350.
Hi jovzz, same case here. Nagkaroon ako ng emergency kaya nawithdraw ko yung remaining balance ko. Mga 1 year na pero di ko na naibalik yung maintaining balance. Automatic close ba yun or may babayaran ba ko sa BDO dahil di ko na-maintain or nabalik yung balance for 1 year? I’m planning to open a new account sana or if pwede ibabalik ko na lang yung maintaining balance ko. Possible po kaya yun?
Hi armi, kung more than one year na, malamang close na. Puede kang mag-balance inquiry sa BDO atm para malaman mo kung active pa ang account mo. Kung hindi mo naman kelangan ang passbook account, mas madaling i-maintain yong atm account kasi 2k lang ang required na lagi mong iiwanan palagi sa account.
Hi po ask po ako what if po hndi ko na maintain ung 2k balance ko feb 28 pero pumasok po yung deniposit sa akin nung march 1 then winidraw kopo ung deniposit ko same day and zero na ang balance. Pagba nagdeposit ako ngayun sa bdo savings acct ko papasok po ba yun at mawiwithraw kopa ba ulit maam? Pls help
Hi Lovie, malamang closed na ang account mo, kasi automatic na nagko-close ang account kung zero balance na. Pero kung merong naiwan na centavos or few pesos, active pa ang account mo. Kung active pa at kung magdeposit ka ngayong March pero hindi mo na mahabol yong 2k average maintaining balance, meron nang deduction na 300 pesos on March 31, kasi 2 consecutive months (Feb and March) nang hindi mo na-maintain ang account mo.
If you’re not sure kung merong naiwan na centavos or few pesos, or closed na, mag-balance inquiry sa ATM.
May tanong lang po ako..e paano kung lagpas na sa minimu yung laman ng atm babawasan pa rin ba ulit
sa bdo po on the last two months ndi ko maintain ung MADB nabawasan po ako ng 300 pero this month march-2018 ma maintain ko ung MADB nila ndi nko mababawasan ? ndi kc nila masagot ung tanung ko na un sa branch
Below Maintaining Balance Penalty: Nabawasan ka Feb 28 or March 1 ng 300 pesos? Maintain the required balance this March para hindi ka na mabawasan this March 31 or April 1. 2k ba ang maintaining balance mo? Dapat every day of March, meron kang 2k or more sa account mo. Pag kulang ang balance mo March 1 at March 2, dagdagan mo pa ang deposit mo para yong average for March ay 2k or more.
Hi po..ask ko lng po kapag 0 balance po ng ilang araw palang or lets say a month ung bdo atm acc ko..automatic mag close na po ba yun? Thanks
Hi po pwede po magtanong kung pag na zero balance po ba eh automatic close na pero wala pa namang 1 month ..kasi nag try ako mag inquire sabi invalid daw po..at pwede paba hulogan ulit?thank you…
Hi po! Tanong ko lang po regarding sa Kabayan Savings Account. Starting tomorrow po ay hindi na po makakapag-transact ang non-emv card sa mga atm machines but mcan still access online. So ang tanong ko po ay pwede pa din po ba makapag send money/send to cebuana or ml online or pati din po iyon hindi nadin po?
Hi oink: Sabi sa instructions about BDO Kabayan, kahit non-emv pa rin ang atm card mo, puede pa ring mag-online banking (send money to cebuana or ml), magremit sa account at magwidro or deposit over the counter. Ang hindi puede ay buy online kasi gagamitin mo yong card number at atm withdrawal or atm deposit.
Thank you so much po Ma'am Nora..?
God BLess You po.
Hi Mam,
My BDO kabayan savings acct got closed and sabi nila its because nag below sa maintaining balance. But as far as I know it is a zero maintaining balance as long as once a year may remittance from abroad. When I tried to withdraw from my atm (emv na sya)dahil may remittance ako, invalid na daw sya. When I asked from them sabi nila nag below nga sa maintaining balance. Dahil lutang ako sa nalaman ko na closed na yung acct ko hindi ko natanong yung about sa zero maintaining balance na dapat as long as may remittance. So how is it po? Thanks for taking time to this.
Hello ask ko lang po . yun visa card ko po is 2k nlang yung bal. Then 1 month na po akong d nakapag deposite but 1 month na still/2k at d nabawasan yung bal. Ko . posible po bang my penalty . ?? Advance thank you .
HI Emma: Yong regular BDO atm account itong account mo? Na yong maintaining balance niya is 2k? Basta walang araw na less than 2k ang account mo, safe from penalty ang account mo, kahit exactly 2k ang balance at hindi ka pa nagdedeposit. Basta huwag ka munang nagba-balance inquiry sa ibang banks' atms para wala kang atm fees at para hindi mabawasan yong 2k balance mo.
Good day po mam ask ko lng po kasi nag zero balance na po yung saving ko ano po ba dapat gawin?
pwede pa kaya lagyan yung saving ko?
Hi nappy, kung 0.00 na ang balance mo, automatic nag-close na, at ang BDO ay hindi nagre-reactivate ng closed account. Pero try mo pa ring mag-balance inquiry sa BDO atm at tingnan mo kung ano ang sagot. Kung inactive account na, or no existing account or closed account, mag-open ka na lang ng new account after some months, or sa ibang bank, or sa digital banks like Komo or GSave (pedeng mag-open via GCash). Wala silang maintaining balance requirement.
hello po maam .may account po ung asawa cu sa bdo pru hndi nia na hinulogan wla nrin atang balance .mga 8months na po pwedi cu pa bang mahulogan ulit sana po masagot acu
Hi Charie Lee, kung naging zero na ang account, automatic na siyang mag-close. Kung less than 300 ang balance for 2 months, closed na siya automatically sa last business day ng 2nd month, kasi babawasan ng below-maintaining-balance penalty (300 pesos) at maging negative na. Ang alam ko, hindi nagpapa-reactivate ng closed account ang BDO. Mag-open na lang ng new account. Puede rin yong digital account (no maintaining balance): OFBank of Landbank, GSave of GCash and CIMB, Komo of Eastwest, Tonik, Diskartech of RCBC, ING Bank, UnionBank. I-download lang yong mobile app, then follow instructions. Be ready for selfie with ID.
hi po good day. may tanong po sana ko.pano po kung ang maintaining balance ko ay 10k tpos bbawasan ko lang po pero ibbalik ko dn po in the same month. may penalty po ba ako na bbayaran? please answer po maam. thank you po.
Hi ask ko lang wala pa nmn one month na below 500 yung deposit money sa atm acc ko thenmy friend deposit some money to that acc yesterday after i checked the balance today the money below 500 is still the same what happen?
good afternoon ask ko lang po bakit and sabi ng empoyee ng bdo ay P10,000 minimum balance dapat tama po ba un savings account with passbook and atm ang binigay sa kin thanks po
GoodmorninG po
Ask ko lang po kung pwede ma retrieve ulit yung na clowe balance na?
Puede pa bang ipa-reactivate ang closed BDO account?: Sorry hindi nagre-reactivate ang BDO ng closed account. Mag-open ka ng new account, maybe at least a month after closure date.
Hi po. 1 month na po 0 balance acc ko. Kapag magdedeposit po ako ngayon papasok pa kaya yun? Sasabihin pa ng teller kung active or closed na account ko? Thanks
Same po tanong ko kay sir Jond maam…sana masagot
Ung account kc ng asw q s bdo ngmit nmin ung pera. Ang remaining blance dpt non 10k. Nag below remaining balance kmi. Dba every month may deduction un ng 300. Ang nging laman nlng nia ngaun is 190. Close account nb un?
Sorry, Avery, for the delayed response. Yes, kung 2 months na na below 10k yong passbook account ng asawa mo, malamang closed na, kasi sa last day of 2nd month na below-maintaining balance, nagde-deduct ng 300 pesos. Kapag nagdeduct ng 300 at 190 na lang ang andon, magiging negative-110-pesos ang balance. Automatically, mag-close na ang account.
Ask ko lng po..paano po kung nagdeposit po ako ng july 10 ng 2500 tapos po nagdeposit po ako ulit ng july 25 ng 1800 ..magkaka penalty po ba ako dahil nkapag deposit ako ng 1800?? hindi po kac umabot ng 2k yong deposit ko nung july 25 ?? Please po!
Deposit and maintaining balance:
Sorry this is a delayed response. Hindi required na kada deposit ay dapat 2k pesos. Ang BDO account mo ba is BDO atm account? Yong atm lang at walang passbook? If yes, ang required ay dapat everyday merong 2k pesos or more sa account mo, para sa ganon ay 2k pesos or more ang average daily balance mo kada buwan. Kahit magkano ang idedeposit mo or madalang kang magdeposit or madalas, walang kaso, basta everyday, merong 2k pesos or more sa account mo.
Mam what if naubos mo yung balance na 2k this sept ma close po ba yun agad?
Naubos na balance: Winidro mo ba lahat? Ang balance mo is 0.00? Malamang closed na ang account mo kapag zero ang balance. Sana nag-iwan ka kahit 1 peso. Try mong mag-balance inquiry ngayon sa atm.
Kung nag-iwan ka ng mga few pesos, at active pa ang account mo, at na-maintain mo ang account mo last August, that means sa Sep ka pa lang mag-below-maintaining-balance, so hindi ka pa magpe-penalty. Dapat sa Oct 1 to Oct 31, everyday, andon ang 2k pesos or more.
Good morning po automatic po bang nag close account n kapag mga 4months n walang laman ang account mo…nakuha n lahat ng maintaining balance di n b siya puedeng lagyan ulit ng pera
Sorry malamang closed account na, kasi 4 months na. Once na 0.00 o negative na ang balance mo, automatically ma-close na siya. Ang alam ko, hindi nagpa-pa-reopen ang BDO ng closed account. But you can open a new account, siguro, after a few more months. But you can try opening a new account and they will advise you if you can open or wait for a few more months.
Kabayan savings po ung akin.
Hi maam..ask ko lang po…magkoclose po ba ang bdo savings account automatic once na nazero balance siya?pero wala pang 1 month?pwede pa kayang mgdeposit?kasi nag inquire ako invalid ang lumalabas..at pag nagdeposit po ba ako malalaman ng teller if close na?thank you po
hello po pwede pa po ba ma reactivate yung atm na kakainvalid lang? kasi yung ang binigay kong acct no. sa sss for benefit
Hi christina, ang alam ko, hindi na nagrereactivate ng closed account ang BDO. Sana kung BPI, nagre-reactivate sila. Pero magtanong ka pa rin kung puede sa branch mo, o magtanong ka sa FB account ng BDO: https://www.facebook.com/BDOUnibank Magtanong ka doon sa thread na merong sumasagot ng minutes pa lang
hi mam tanung lang po what if mam hindi ko namaintain ang balance ko at 200 nlang po laman s bdo ,nxt month po b magkakapenalty po b ulit ako o magclose npo ang account ko
Hi Richelle, sinabi mong “ulit,” ibig sabihin na-penalty ka kahapon, July 30? Kung na-penalty ka in July, at kung hindi mo ma-maintain ang account mo this August, mapepenalty ka uli ng php300 on August 31, at dahil hindi na kasya ang 200 na balance mo para bayaran ang 300 na penalty, mag-automatic close na ang account mo sa August 31. Dapat magdeposit ka ng 1,800 bukas Aug 1 via online o sa atm o sa mall branch na open on a Sunday para maging 2k ang total balance mo at huwag mong widrohin this August. Dagdagan mo if you can. Dapat andon ang 2k every day from Aug 1 to 31 para hindi ka na ma-penalty. Kung lagi ka na lang napepenalty at wala namang dahilan bakit kelangang BDO ang account mo, pede kang mag-open ng digital account like OFBank, GSave via GCash (account with CIMB Bank) or Komo (Eastwest) or ING or Diskartech (RCBC). No maintaining balance. Download mo lang app and follow instructions. Prepare your valid government ID and dapat stable ang internet connection.
Hello mam,pag halimbawa po ang maintaining balance mo is 10k tapos na withdraw mo 5k mag close na ho ba atm ko
Hi maam. What if we’ll come up to this situation. Mayroon akong 2k na balance sa BDO, November 21 magwiwithdraw ako ng 1.5k, so 500 na lang balance ko. Sa December 10, magdedeposit ako ng 1.5k to make it 2k again. Question is, may penalty po ba pag ganyan? Thank youuu.
Hi joy, yes, meron ka nang penalty sa last banking day of Dec, kasi November at December hindi mo na-maintain ang account mo. Merong penalty kapag 2 consecutive months, hindi maintained. At meron uli penalty kapag hindi mo na-maintain sa January 2019. Consider opening a Kaya account sa BPI or BPI Family, walang maintaining balance, although merong 5-peso fee for every atm withdrawal or balance inquiry.
Id like to know if do you guys get our atm remaining balance? So i had 2k balance in my atm as we opened it last March, when i balanced it there was a charge a 2 pesos so the possible balance was 1998 pesos and then after that I did not put any money on it and havent checked it anymore till last day. My question is do you guys get those remaining balance?
I transferred money from paypal to my bdo account and im supposed to have it by 28th of November but unfortunately until now it’s not on my card yet. And it did not also returned in my paypal account. I have been checking my account and no withdrawals transaction but my balance has been deducted.
Hi Mary Ann, is your atm card a cash card? Because I wonder about that 2-peso charge. There’s a 2-peso charge if you withdraw using a cash card and if you inquire at other banks’ atms. There’s no maintaining balance requirement for cash cards, so your 1998 pesos should still be in your cash card. What’s your balance now? If your account is a regular savings account, there’s a penalty of 300 pesos per month starting from the second consecutive month you have not maintained your account.
About Paypal, I hope your Paypal money will be credited on Tuesday, the 3rd banking day from Nov 28. It can take up to 5 days. I hope you can tell me your current BDO balance.
What happen if I withdraw my maintaining balance in BDO-ATM DEBIT? Possible ba na ma-close account ko? Thanks
Hi Maeli, kapag winidro mo lahat at magiging zero ang balance, automatically mag-close ang account mo, at hindi mo na ito marere-activate. But you can open a new account after maybe a month. Para hindi mag-close, mag-iwan ka ng piso or more. Kapag below maintaining balance ka for 2 consecutive months, meron kang penalty na 300 pesos on the last banking day of the 2nd month.
Hello po!ask ko po sna kng na uupdate npo ba kaya ang account kpag me mg ttransfer ng pera sa account ko?hasle pa ksi mgpunta sa branch pra mg deposit ma update lng ung account.Thanks po
Hi Jenny, oo, maa-update agad ang account mo kapag merong mag-deposit sa account mo. Yong total balance agad ang makita mo na nag-increase. Yong details ng transaction, hindi mo pa agad makita. Sometimes, after several hours, or the next day.
Wala ka pa bang online account? Para makita mo agad ang balance mo online? Para hindi ka na kelangang magpunta sa branch. Kung hindi ka pa enrolled, mag-enroll ka sa bdo.com.ph (i-activate mo ang enrollment mo using your atm card at a BDO atm), and then kapag enrolled ka na, i-download mo yong BDO app sa phone mo, para meron kang BDO mobile account sa phone mo.
Hello po tanong ko lang po miss nora monthly po ba ang penalty pag hindi na namaintain ang balance? Halimbawa po 10k maintaining balance tapos po nawithdraw noong february 15 lahat ang natira na lang 3 pesos tapos ang madedeposit lang ngayong katapusan ng march is 5k may charge na po ba yun ng 300 hangang sa mabuo yung 10k ulit?
Monthly na po ba na machacharge ng 300 pesos penalty hangang sa maibalik yung 10k?
Hi Norlyn, yes, monthly na ang penalty kapag nag-start ng penalty, until maging 10k uli ang average daily balance for the month. Noong February, hindi maintained, pero wala pang penalty on Feb 26, kasi one month pa lang na below balance. On March 31, meron nang 300 na deduction kasi below balance na for 2 consecutive months (Feb and March). On April 30, meron uli 300 na deduction kasi below balance again for 2 consecutive months (March and April). At saka magdeposit ka dapat before March 31 kasi automatically mag-close kapag magdeduct sila automatically ng 300 on 12:01 am of March 31 at 3 pesos lang ang andon sa account. Isa pa, maintained ang account for the month kapag merong 10k pesos every day of the month, from first day of the month to last day of the month, hindi yong last day lang or some days lang. Puede lang yong some days lang kung malaki ang deposit for some days (if average daily balance computation will result in 10k).
If you like, you can ask to convert your account into an atm-only savings account para 2k lang ang i-maintain mo.
Thank you po miss nora sa sagot.
Nalinawan po ako na hindi maclose ang account basta may madeduct sila na 300 monthly hangang sa maibalik ang MADB.
Thank you po talaga nakatulong kayo ng malaki ❤️❤️❤️
Welcome, Norlyn, and thanks too!
Kapag ba 1k yung laman pa ng atm ko. Penalty lang yung mangyayare? Hindi po yun macclose? Thanks
I have the same question like maeli
What if invalid na yung bdo atm card kasi nag 0 balance ako ng 2 months, pwede po ba ulit ako magre-apply ulit for another card? Thank you
Hi Precious, yes, puede kang magre-apply sa BDO pero wait until after 6 months. Yong BDO cash card siguro, puede kang makaopen, kasi cash card naman siya, not a savings account. Merong balance limit na 10k at 25k. Walang maintaining balance, basta merong transaction at least one every 6 months. Merong 2 pesos fee for withdrawal or debit.
Hi Precious, pag na-closed na, wait for 6 months before you can open a new account. Siguro pag cash card ang i-open mo, puede. Merong balance limit ang cash card, up to 10k and 25k only.
hi last jan. 2, 2019 winidraw ko ung maintaning balance ko peso nalang ung naiwan then gusto ko sana maghulog ulet ngayon pwede paba ako magdeposit ulet or close na sia?
Hi Jeraldine, malamang closed account na kasi magkasunod na 2 months nang below maintaining balance, at noong magdeduct ng 300 pesos on the last business day of February, nag-zero na at automatically closed na. Kung hindi ka na maka-transact sa atm, malamang closed na.
Possible ba na mgchange ng passbook savings to atm savings sa bdo?
Hi Michelle, yes, if the passbook account is Kabayan. Kapag regular passbook, malamang na i-advice sa yo to open a new atm account (initial deposit and maintaining balance is 2k pesos), then close your passbook account.
Hi maam, may 2k po akong maintaining balance then nag withdraw po ako nang 1k kasi needed po. Pero nag deposit naman po ako after 1 week. May penalty po ba yun? Salamat
Hi Roel, ngayong March ka ba nagwidro at nagdeposit uli? If yes, make sure this coming month of April na nasa account mo ang 2k or more every day of April, para kahit hindi ka naka-maintain in the month of March, makaka-maintain ka in April, at nang sa ganun, one month ka lang hindi naka-maintain. Meron lang namang penalty kapag 2 months na magkasunod na below maintaining balance.
Hello poh Ma’am, mag withdraw poh ako ngayon araw March 27, 2019 ng 1k ang maintaining balance ko poh 2k. My penalty poh ba yun Ma’am at magkanu penalty? By April 2, 2019 ibalik q din poh yung 1k. Thank you
Hi May, bale 1k ang maiiwan for 5 days in March? Meaning hindi mo mame-maintain ang required average daily balance for March. So dapat on April 2, ang ideposit mo ay more than 1k (puedeng 1,100) at pabayaan mo na 2,100 ang balance mo everyday in the month of April para wala kang penalty. Merong penalty if you don’t maintain your account for 2 consecutive months.
Hi ask ko lang may balance ako sa atm ko 2300 nag withdraw ako ngayong march 29 ng 2,000.baka maibalik ko by 2nd week ng april ang 2000 na kinuha ko. May penalty naba ako nun.
Thank you!
Hi Steph, yong 2300 mo ba ay nasa account mo since March 1 at everyday na andon until March 28? If yes, maintained mo ang account mo during the month of March. For the month of April, malamang na below maintaining balance ka sa month of April, so make sure na during the month of May, andon palagi yong 2k or 2300 mo everyday from May 1 to May 31 para hindi magkasunod na buwan na below maintaining balance ka. Merong penalty kapag 2 consecutive months na below required maintaining balance.
Hello po, may question din po ako, BDO savings account. never pa naman po bumaba sa 5k ung laman ng atm ko then last march 24 pagcheck ko po 4752.52 my bawas na 300.. then nagwithdraw ako ng 2k so remaining po 2752.52..
bakit po pag check ko po ulit today april 08 may deduction ulit na 300? 2452.54 nlng total
please enlighten me. or if ever knino ko po i-brought up ung concern ko? thanks
Hi inah, meron ka bang passbook? Kasi 10k pesos ang maintaining balance ng passbook account. Ang atm-only account is 2k lang. Merong 300 pesos na deduction sa 2nd consecutive month na hindi mo naabot yong 10k pesos na average daily balance, at tuluy-tuloy na deduction na until ma-restore mo sa 10k na maintaining balance. Passbook nga ba?
opo ma’am passbook nga po ? maraming salamat po. now I know.. so every month na po deduction nun unless mag 10k ulit ang balance.. thank you so much. pero paano po ma’am kung wala pa po ako money para mag deposit to make it 10k, sayang naman po ang 300 kada buwan. what if withdraw ko po un lahat. paano po penalty nun?
Hi mam good morning ask lng po aku sa acct sa sister ko dpat dw kc mag maintain xa ng 10k sa bdo acct nya.nagkataon na stop xa ng work pero nag maintain xa sa acct nya not until last dec2018 na withdw nya emergncy ang 5k kc needed nya training requirements sa pnp. Bale may remaining 5k sa acct nya, ngaung april chek nya ang acct nya invalid na. Authomatic close nba ang ang aact nya? Pwde pa bang mahabol hulugan ang acct pra hndi mawala? May 5k kc sa acct nya hndi nya nahulugan, ngayong month sna hulugan ulit pra maintain ulit. Ngaun lng kc xa nka msgs smin, hndi ma kontak since nsa training pxa. Nagpadala kc xa pra sna sa acct nya pra ma maintain. Badly needed answer kc aku ung nautusan nyang e tanong hndi xa mkalabas sa training nla. Salamat
Hi Jagus, noong Nov 2018 ba ay 10k pa ang laman ng account niya? At nagwidro Dec 2018? If yes, then na-penalty ng 300 every month from Jan March — that’s 900 pesos in total, so dapat meron pa siyang around 4,100 pesos. Closed ang BDO branches this Holy Week, so on Monday, try to deposit 500 pesos to your sister’s account, para ma-test kung closed na ba talaga ang account ng sister mo. Kung hindi na tanggapin ang deposit mo, closed na nga talaga ang account. Try to ask why. Tell teller she is your sister and she’s training at PNP. Sometimes they answer, sometimes not, because of banking privacy laws. Your sis can call BDO 631 8000
Good morning po, mag-oopen po sana ako ng account, what if nagopen ako ng account, at inilagay ko po is 10k, tapos hindi ko po xa binabawasan, at ndi gagalawin. posible ba na ndi mwawala ang 10k nya dun?
Hi Rochelle, hindi mawawala, basta everyday na andon yong 10k pesos, assuming na ang inopen mo ay yong BDO passbook account, which requires a 10k maintaining balance. Sa BDO ka mag-oopen ng account? Ang magandang i-open mo is yong atm-only account, kasi 2k pesos lang ang maintaining balance requirement nito. It means na yong 10k pesos mo ay sure na sure na mag-maintain ng account mo, kahit there are times na mabawasan mo ng konti. Keep your atm card safe, at dapat walang ibang tao na nakakaalam ng PIN mo.
Paano ko po mawiwithdraw kaya yong maintaining balance na 2k?
Ilang beses ko na kasi siya try na withdraw, pero insufficient fund daw.
Hi Jonna, nag-balance inquiry ka ba? Magkano ang balance? Baka less than 2k na lang. Or another reason: Less than 1 month pa lang ba since opening your account? If less than, merong penalty na 300 pesos, so withdraw only 1,700. Or another reason: Sa ibang bank atm ka ba nagwiwidro? Sa BDO atm ka magwidro para walang atm withrawal charge.
Sa BDO din po ako nagtatry na magwithdraw po. Maintaining balance nalang po ang meron sa Atm ko kaso pag nasoshort po ako, gusto ko po muna kunin yong maintaining balance ko kaso ayaw po. Insufficient funds daw po.
Magsisix months palang po since nag open po ako ng acct.
Sabi ng friend ko baka daw hinold ng bank yong maintaining balance. Possible po ba yon?
Thank you po.
Hi Jonna, May 2 na ngayon, make balance inquiry baka nabawasan ka na ng 300 pesos na penalty. Nabawasan ka nga ba ng 300 pesos? If you want to retain your account, do not withdraw all. Dapat hindi zero ang balance. If you think it’s not easy to maintain, you can open a BPI Kaya account , 250-peso opening, no maintaining requirement, meron lang 5-peso fee for atm withdrawal.
pwede ko pa po bang e activate yung kabayan account ko na hindi ko nahulugan noong nasa pinas ako? (almost 2 years+) ang balita ko kasi napalitan na daw ng savings account. mayroon pa kasing mga 10k+ yung laman. gusto kung hulugan habang nandito ako sa Malaysia. Salamat po
Hi Salcedo, kung more than 2 years nang hindi nawidrohan o nadepositohan, na-dormant na ang account mo, meaning na-deactivate temporarily. Ang paraan para ma-reactivate is to go to your BDO branch in person with your IDs and reactivate your account. Yes, since hindi naka-receive ng foreign remittance within 1 year, na-convert na siya into a regular account — hindi ko lang sure kung implemented na yong new rule nila sa account mo, so kung implemented na, ang converted account mo is an atm account which requires a peso maintaining balance of 2,000 pesos.
so mam pwede ko pa ba siyang hulugan kahit converted na siya as a savings account saka ko na lang pa activate sa kabayan account pag uwi ko po. the same pa kaya yung account number ko or napalitan na din. Salamat po
Hi Salcedo, oo malamang the same account number pa rin, pero hindi madedeposit ang remittance mo kasi naka-dormant ang account mo. Maho-hold yong padala mo. Kung gusto mong ma-check ang status ng account mo, either call BDO, or magpa-deposit ka sa family mo ng 100 pesos over the counter. Kung tatanggapin yong deposit, active ang account mo, so puede kang mag-remit. Kung hindi tanggapin, sasabihin naman siguro nila kung ano ang dahilan. Kung dormant nga yong BDO account mo, and if you like to save, try to ask Maybank there if they are offering account opening for Philippine-based Maybank. Or kung hindi, puedeng mag-open ka ng Maybank account (Malaysia-based) na withdrawable in the Philippines via atm. Piliin mo yong account na low or no maintenance requirement.
Hi po, query ku lang, if by chance emergency nagwithdraw po aku sa account ku, then my only balance for my account is my MADB which is 10K, nagwithdraw po aku ng 3k so it will fall below MADB na po. If by chance maibalik ku nman po within the month ung naiwithdraw kung 3k pra maibalik sa MADB ung balance ku po sa account, may chances pa din po ba yun na magkacharges ng 300php?
Hi rkieru2, kapag within one month lang na less than 10k ang laman, walang penalty, kasi one month ka lang hindi naka-maintain. Meron lang penalty kapag 2 magkasunod na buwan na hindi ka naka-maintain. So kung ngayong month of May ay hindi mo na-maintain yong 10k na required average balance, dapat sa month of June, every day of June ay dapat andon yong 10k pesos sa account mo. If you like, you can open BDO’s 2k atm-only account so it’s easier for you to maintain, then after opening, close your passbook account, then add what you withdraw from your passbook account to your atm account.
what if kakakuha mo nalng sa regular atm card mo,then kinuha mo ang 2000 deposit for emergency,nagyon may magpapadala sa akin after 5 days from withdrawal.it said invalid card number
Hi Richard, ibig mong sabihin, kinuha mo lahat ng balance at ang natira ay zero? Malamang, na-close na ang account mo. Kung wala pang 1 month ang account mo, meron pang penalty na 300 pesos for closing within one month from opening, kaya naging negative pa ang account mo. You can go to any BDO branch and ask. Or mag-open ka na lang ng new account in another bank, kasi after closure, you wait for 6 months before opening a new account.
hi maam nora ask q lng po last sept 2018 ngbelow sa maintaining balance ung atm savings account till now june 15, 2019, closed n po b un o temporarily deactivated lng at continues po ung dedcrion nila which means wla n laman ung atm q? ksi nga ndi maintain ung 2k n balance,thank you po
Hi mark, malamang oct 2018 nagsimula ang 300 penalty deduction mo from month to month, so malamang naubos na ang balance mo noong March or April 2019, at na-automatically closed na. Nasa abroad ka ba at hindi mo ma-check sa atm ang balance mo? Pag closed na, you can open a new account after 6 months.
Hi! Ask ko lang po paano kung withdrawhin ko ngayon maintaining balance ko na 2k tapos ang natira na lang ay 42 pesos, magclose account na ba agad yun automatically? Or hindi pa naman? And magdeposit ako ng 3k before end of this month, 300 lang ba mababawas sakin?
Hi Demi, hindi pa mag-close kasi merong 42 pesos. Yes, 300 pesos lang ang mabawas sa iyo (June 28) kapag magdeposit ka ng at least 2k on June 30 or July 1, at hindi mo ito wiwidrohin.
Hello po kapag po ba nabawasan na sya ng 300 last month tapos hindi pa rin po na maintain yung balance this month may penalty po ba ulit na 300? 10k po yung maintaining balance ko
Hi Ford, yes, tuluy-tuloy from month to month ang pagbawas ng 300-peso penalty habang kulang sa 10k ang average daily balance mo for the month. Kapag nahirapan ka to maintain, go to your branch and ask to open an atm savings account (2k lang ang maintaining), close your passbook account, then deposit what you got from your passbook account.
Hi… may tanong ako yong BDO ATM ko na withdraw ko lahat ang pera … walang naiwan … last may 2019 … pwd pa bang magamit ang ATM? My penalty vah o mag open account ulit? Please reply
Thank u
Hi Ritchel, sorry I missed your question. Malamang na-closed na ang account mo kasi naging 0.00 ang balance mo. Try making a balance inquiry sa BDO atm. Kung closed account na, you can open a new account with BDO after 6 months.
Hi maam, may less than 2k maintaining balance po ako sa account ko pero di pa naman po xa umabot ng isang buwan na below maintaining. Nag withdraw po ako ng 1K nung Aug 1. chineck ko naman agad online may tirang higit kumulang 500php pero this morning pag check ko naging 16php nalang po xa. Ma ku-closed account po ba agad ako?
Hi Jesa, you can check your transactions online to see if you were deducted 300 pesos for below-maintaining balance penalty. Most likely, you also made withdrawals at other banks’ atms, so there are atm withdrawal fees, leaving you with only 16 pesos. Para hindi ma-close ang account mo, magdeposit ka tomorrow ng 2,600 para ang average daily balance mo this August ay magiging 2k or more.
Mam n withdraw ko lhat ng pera s atm ko wla natira..tpos ng try ako ng balance inquiry tpos hnd p n closed..pwede mo p b deposituhan ung account ko?
Hi Analynn, malamang merong natira na cents kaya hindi pa na-close. Bukas kung nakaka-balance inquiry ka pa, yes, puede mo pang depositohan.
HELLOW PO MA`AM GOOD AFTERNOON PO,PANO PO MA`AM KUNG 1700 NALANG PO UNG BALANCE ND DEBIT CARD KO.NGAYUN AUGUST LANG PO NABAWASAN MAGKAKARUON PO BA AKO NG PENALTY. AT NG NAG BALANCE AKO. 245 NALANG PO ANG LAMAN.
Hi Rinalou, 2k ang maintaining balance ng BDO atm account. Kung 1700 ang balance mo buong month of July and part of August, at nabawasan mo pa, magpe-penalty ka na ng 300 pesos tonight or early tomorrow. Why? Kasi 2 months na magkasunod na below 2k ang average daily balance mo. Since 300 pesos ang penalty, at 245 lang ang laman, kulang na, so mag-close na ang account mo tomorrow. Pero kung at least 2k ang balance mo every day last July, hindi ka pa mag-penalty this August 30 or 31. Para wala nang penalty at hindi ma-close ang account mo, gawin mong at least 2k ang balance mo everyday from Sep 1 to Sep 30. Kung below maintaining balance ka last July, at kung gusto mo pang active ang account mo, magdeposit ka ng 100 pesos now, para merong pang-penalty at para di ma-close ang account mo.
hi! paano i compute ang 6 mos adb? i add ang every month na maintaining balance sir?
Hi cher, every last business day of the month ang pag-compute, then starting from the 2nd consecutive month na hindi na-maintain ang required ADB, magbabawas na ng penalty from the 2nd month to the next month, and so on, hanggang ma-close ang account or hanggang na-restore na to required ADB level. I-add mo ang balance (final balance sa end of day) ng account mo every day from 1st day to last business day, then i-divide mo yong total ng number of days, yan ang ADB mo sa buwan na yan. Here is how to compute monthly ADB.
Hi po . wat if may 2.3k ako sa BDO then planning to withdraw po sana yung 1.3k then ibabalik ko within a week. mag ko-close account na po ba? matagal na po ATM ko at ngayon ko lang po sana babawasan yung 2k na minimum.
Hi Wina, sa buong buwan ng August ba ay 2k or more ang laging nasa account mo everyday? If yes, okay lang magwidro ka muna ng 1.3k (importante na merong amount na maiwan), basta before October 1 ay 2k or more na uli ang balance ng account mo, everyday of October, para maintained ang account mo in October. Why no penalty? Kasi 1 month ka lang hindi ka naka-maintain (September). If hindi ka maka-maintain ng 2 magkasunod na buwan, like halimbawa Sep and Oct, magpepenalty ka ng 300 on Oct 31.
Tanong ko po sana halimbawa na nag 0 balance po ang account sa ATM peso savings account tapos inabutan po ng monthly charge na 300 pesos na di pa nababayaran. Mag close po ba agad yung account?
Hi Lester, yes, once na mag-zero (0.00) ang balance ng account, automatic na ma-closed ang account.
hi . Ask kung ilang beses makakaltas ng penalty sa isang buwan ? nakaltasan kasi ako today baka sa ocotber 15 ko pa malagyan ulit , remaining ko po ay 700 , magkakaltas po ba ulit sila this month ng oct?
Hi Anna, minsan lang ang kaltas ng penalty sa isang buwan. Pero malamang makaltasan ka uli sa Nov 1 kung hindi mo uli ma-maintain this month of October. Kung Oct 15 ka magdeposit, dapat magdeposit ka ng at least 3,400 (para maging at least 4,100 ang balance) at huwag mo munang galawin, para hindi ka magpenalty sa Nov 1 or 2.
Mam paanu po kung july 1 to august 26 walang balance tapos august 27 nag deposit ulit ng 6k ilan po magiging penalty nun?.
Hi james, ang meaning mo ba sa walang balance is zero? or konting balance? Kasi kung zero balance, dapat closed account na, pero sabi mo nakapagdeposit ka pa, so malamang merong konting balance. Dahil 2 months nang hindi maintained ang account mo, 300 pesos ang penalty, deducted on Aug 30. Kung in June ay below maintaining din ang account mo, meron ding 300-peso penalty on July 31.
Meron po ba maintaining blance yung BDO Debit Cards?
Hi TinTin, yes, meron. Lagi dapat merong at least 2k sa account mo. Kung hindi maintained ng 2 magkasunod na buwan, merong penalty na 300 pesos sa end of the 2nd month, and every month after, until na-restore mo na ang account mo
Hello po asked ko lang po kapag nabawasn po b ng 5k yung 10k na maintain balance magkano po kaya ang penalty.. Thankyou po.
Hi Rovylyn, kung 2 months na magkasunod na hindi mo na-maintain ang account mo, ang penalty sa end of second month ay 300 pesos. Kung hindi pa rin ma-maintain sa 3rd month, merong uli 300 na penalty sa end of 3rd month, and so on, hanggang ma-maintain mo ang account mo. Siguro it’s better na palitan mo yang passbook account mo ng atm account para 2k lang ang maintaining requirement mo.
]Hello po pano po maam pagka na withdraw na po lahat ng maintaning bal.na 10k tapos mag 90 or 100 nalang ang natira ? bigla mo kasing kinailangan eh ..magkaka penalty pa po ba yon or automatoc close na ?
Maam pano po pala pagka wala ng natira sa maintaining balance na 10k ? automatic close na po ba yon? ano po dapat gawin? kelangan po bang iinform sa kanila?
Hi rovylyn, kung 0.00 na ang balance, automatic closed na ang account. Hindi na kelangan silang i-inform. Try withdrawing at a BDO atm, malamang ang response na is “Closed account” or “Cannot access your account” or “Invalid account”
1month ago na po …then pwede pa po kaya mag deposit for a new maintaning bal.?
Hi jovzz, kung merong natirang pera, kahit few pesos lang, hindi agad mag-close. Kelan ka nagwidro ng 10k? Last October? If yes, malamang mag-close na this Nov 29, kasi hindi mo na-maintain ang account mo in Oct and Nov (magkasunod na 2 months). On Nov 29, babawasan ng 300k for penalty, at magiging negative na kasi kulang sa 300k ang naiwan sa account.
Kung hindi namang kelangang passbook ang account mo, I suggest pabayaan mo na itong account na mag-close, at mag-open ka na lang ng atm account (only 2k maintaining balance). Mas okay kung mag-open ka habang hindi pa close itong passbook account mo. Para kung sabihin ng teller na “O meron kang passbook account,” sabihin mo na iko-close mo na yan, at atm account na lang ang ituloy mo.
Hello po mam nora, pwede ko po ba na i close passbook savings account ko then open ako ATM savings account at the same time po? Dati po kasi Kabayan savings po account ko sa bdo but for 12 months di na po nahulugan abroad kaya naging peso savings na sya na may 10K maintaining balance, hirap po kasi ako ngayon i maintain yung 10K.
Hi Rose Anne, yes, puedeng close your passbook account and open an atm account at the same time. Sabihin mo lang agad sa officer yong gusto mo. Bring your passbook and 2 valid IDs.
Mam Nora. Ask ko lng po Kung bakit nag zero balance Yung ATM ng asawa ko. Dec 8 2019 nag transfer po ako sa. ATM ng asawa ko ng 20k. Pero bago po ako nag transfer sa knya. Minimum of 2k ang laman ng ATM. Nya. And then after 1 week nag widraw po sya. At natira po sa ATM is 500 nlng po. So nag minimum po ulit Yung balance nya. Tapos. Ngayon Dec 29 2019. Nag transfer po ulit ako sa knya ng 6k. Sa ATM ng asawa ko. Meron pong 500 na minimum balance. Pag check po ng asawa ko para mag widraw na gulat sya. Nag zero balance na sya. And Saan na na punta Yung na transfer Kong 6k. Nagulat kami bakit nag zero balance sya. Ngayon Dec lng po.
Hi Jermaine, pedeng i-balance inquiry ng wife mo ang atm ngayon para makita kung closed account na, kasi ang usually nangyayari, kapag 0.00 or negative na ang balance, automatic ay closed na ang account. Maaaring hindi maintained ang account last November and this December, kaya nagkaroon ng 300 penalty deduction this December, at baka 300 lang ang naiwan na balance. Para ma-maintain ang account, dapat merong 2k yong account every day. Kahit depositohan mo ng 20k pero isang araw lang nasa account yong 20k or nawiwidro agad, hindi pa rin ma-maintain. Kung closed na yong account bago ka nagpadala ng 6k, yong 6k ay hindi naideposit, naka-hold lang sa BDO. Ang the best is tatawag sa BDO or pumunta sa BDO ang wife mo to inquire about her account.
Ano po ibig sabihin ng interest pay sys gen? At interest withheld?
Hi Den, “sys gen” means system generated (automated). It means automatic ang processing ng pag-compute ng interest na na-earn mo, hindi na kelangang i-start at i-process ng employee. Interest withheld means ibinawas na rin yong tax ng na-earn mo na interest. Yes, kahit super konti yong interest earned, merong tax. Lahat ng tax withheld, ifoforward ng bank sa BIR later on.
Hi! Kinuha ko ang laman ng savings account ko nung Dec 2019 because of emergency. Natira na lang sa account ang halagang P0.57 na siya namang na deduct noong Dec 29. Ngayong linggo balak ko sanang ibalik ang perang hiniram ko sa savings account ko (3,000). Tanong lang kung babawasan pa rin ba ito dahil nung Dec 0.57 lang ang na-deduct ng bangko?
Hi Kylie, BPI account ba ito? Yes, babawasin nila yong 299.43 (for December penalty) at magbabawas din sila ng 300 sila Jan 31, kasi Jan 20 na ngayon, so kahit magdeposit ka ngayon ng 3k, hindi mo pa rin mahahabol yong 3k na maintaining balance. Dapat kasi yong 3k ay every day of the month na nasa account mo to maintain your account. Kapag BDO itong account mo, closed na ang account mo, at hindi ka na makapagdeposit. Ang BDO kasi ay hindi nagpapareopen ng account na na-closed na.
BDO account ito. So ibig sabihin sarado na? Kung ganon, possible ba na mag open ako ng bago?
Hi Kylie, try making a balance inquiry sa atm para malaman mo kung invalid or closed account na ang response. Yes, puede pang mag-reopen, pero usually after 6 months pa. Hindi ko lang sure kung nabago na itong policy nila na ito. Subukan mo na lang.
Hay po maam tanong ko lang sana kakaopen ko lang po kc ng account ko bdo po 2000.nung jan. 4
. Kaso po nawidraw ko hu ang 1800 kc emergency . mag cclose na po ba account ko kc 200 n lang ang naiwan salamat po
Hi Rex, hindi pa magko-close kasi may laman kang iniwan. Dapat sa February 1, deposit ka uli ng 1800 at huwag mo nang widrohin. Dapat everyday from Feb 1 to Feb 29 ay andon yong 2k para wala kang penalty sa Feb 29 or March 1. Ang rule is merong penalty kapag sa dalawang magkasunod na buwan ay hindi mo na-maintain ang 2k maintaining balance mo.
Hello,ma close po ba yung account agad if kukunin yung initial deposit pero ibabalik din naman after 5 days or 1 week yung pera?
Hi Aya, mag-iwan ka ng 1 peso or 5 pesos or cents or a higher amount. Basta huwag zero ang maiwan. Kapag zero, automatic ma-close ang account. Kapag 2k lang ang maibalik mo after a week (month of Feb ngayon), make sure na sa month of March, andon palagi sa account ang 2k or more, para kahit hindi ka naka-maintain this February, sa March makaka-maintain ka, meaning hindi 2 consecutive months na na hindi ka naka-maintain.
Hi, am I required to deposit Php 2,000.00 monthly to my BDO ATM savings account? Is the bank going to charge me Php 300.00 if I can’t deposit for the next few months even having maintained the minimum balance?
Hi Ephraim, no, hindi required na magdedeposit ka ng 2k every month. Basta nasa account mo ang 2k or more every day, walang problem. Huwag mo lang pabayaan na wala kang deposit within 2 years, kasi mado-dormant ang account mo.
pwd ko po ba ulit hulugan yung account ko kahit zero balance na mga 4months, may penalty ba at magkano kaya penalty kung meron man
Jake, once nag-zero ang BDO account, automatic na mag-close. Once na-close, hindi na mai-post yong penalty, kasi wala nang account. You can open a new account after some months.
pwd ko po ba ulit hulugan yung account ko kahit zero balance na mga 4months, may penalty ba at magkano kaya penalty kung meron man, respect pls
Hi jake, malamang closed na ang account mo. Ang BDO ay hindi nagre-reactivate ng closed account. Mag-open ka na lang ng bagong account. Usually after 6 months. Para ma-check mo kung closed account, try to use your debit card at a BDO atm.
Hi po pwedi ko bang i withdraw yung 2k na maintaning balance ko? Pro ibablik ko din nmn po siya next week. Thanks po!
Hi Claire, yes, puede, pero mag-iwan ka ng few pesos. Dapat hindi 0.00 ang balance. Kung magwiwidro ka sa non-BDO atm, ikuenta mo na merong 15 or 20 pesos withdrawal fee. Kapag zero balance, automatic na siyang mag-close. Dahil winidro mo this month of April, hindi mo mame-maintain ang account mo this month, so dapat sa next month (May), dapat everyday mula May 1 to 31, andon ang maintaining balance mo sa account mo para ma-maintain ang account mo, at nang sa ganon, hindi ka 2 consecutive months na hindi nag-magtain, at para wala kang penalty.
Hi mam nora may meron aqng atm card bdo debit po 10k po ang laman kase 10k ang maintaining balance nun.pwede ko bang bawasan ng 3k tapos yun ibabawas ko eh ibabalik ko rin after 1month? Pwede po ba kung pwede po magkano po ang magiging charges nun
Hi Michael, yes, puede. Kung iwiwidro mo ngayon, middle of April, then maibabalik mo middle of May, hindi mo ma-maintain ang account mo for 2 consecutive months (April and May), so mapepenalize ka at the end of May ng 300 pesos. Then kapag hindi mo pa rin ma-maintain in June, meron uli 300-peso penalty at the end of June. Para di ka na ma-penalty in July, dapat on July 1 , 10k na ang laman, at hindi mo na gagalawin, meaning merong 10k sa account mo everyday from July 1 to July 31.
Hello maam ask ko lang po na withdraw ko po ung 10k maintaining balance sa savings account ko nong march bale mag 2 months na syang zero balance this month my question po is hindi po ba sya agad mag close..kasi balak ko pa din po mag deposite kung sakali thanks po
Hi Jackie, malamang automatic na nag-closed ang account mo noong nagwidro ka kasi nag-zero balance. Para sure, try making a balance inquiry sa BDO atm para makita mo kung anong status ng account mo. Kung closed na, sasabihing account closed or no existing account.
Maam yung skin po almost 5months na ng below maintaining balance.2k ung maintaining ko siguro nsa 50pesos nlang naiwan, pedi ko pa kaya hulogan un? O close na ung Account?
Hi Jayvee, sorry for the delayed response. Malamang na-close na ang account mo. Mag-open ka na lang ng new account. If you like, open an atm account sa BPI Family, kasi 1k lang ang maintaining balance.
Hi po Ms. Nora itatanong ko lang po sana if once na maclose yung account kasi nazero balance due to the pandemic puwede pa po ba syang maretrieve or I have to apply for a new account. I’m not really sure po if close na account ko since hindi ko naman po talaga inubos yung balance niya however baka kasi po nagkaroon ng penalty kaya nag zero balance however ng pag check ko sa online banking hindi ko makita balance ko cannot be processed daw eh and ng magpunta naman ako sa ATM machine same rin account cannot be processed. Thanks po.
Hi, kung cannot be processed, nag-close na ang account mo. Hindi nagpapa-re-open ng account ang BDO, so mag-open ka ng new account. Hindi ko sure kung wait for 6 months pa rin yong policy nila before opening a new account. Yong BPI Family, 1k lang ang maintaining balance ng atm account nila. Kung malapit ka sa BPI Family, okay rin yang account na yan.
Hi i would like to ask, never naman po naiwan na below 2k laman ng atm ko, and ngayon ko lang nakita na may transaction saying interest pay sys-gen & interest withheld? Bakit po ganun?
Hi Rizelle, yong interest pay sys-gen ay interest (profit) ng pera mo, meaning nadagdag sa balance mo (na-credit). Yong interest withheld naman ay nabawas (na-debit) — yan ay tax ng profit mo (ifoforward ng bank sa BIR).
Good afternoon Ma’am. ask lang po, magkano po ang charge below maintaining balance of 10,000?
hindi ka po ba magkakautang sa bank dahil sa charges kung na zero balance kana
?
Hi Viktoria, kung na-zero balance ang account, automatic na siyang mag-close. Wala kang utang sa bank kasi nag-automatic close na siya.
pano po kung 2 months ng zero balance tapos po my nag send ng pera sa account, ano po mangyayari dun sa pinadala?
Hi leo, isosoli yong pinadala sa sender kasi closed na yong account mo. It might take a week or more. Hindi kasi nagpapare-open ng closed account ang BDO. Pero para malaman mo kung closed account ka na nga, kung malapit ka sa bdo atm, try mo mag-balance inquiry kung anong ire-respond ng atm.
Mam Sana matulungan mo po ako nagtataka po ako Kung bakit Yong ATM BDO saving ko ay nabawasan po Di nman bumaba ako SA maintaining balance khit kailan at Di ako ngwithdraw s ibang banko last July 2 po Yong Pera ko po is 20,768.58 tpos knna inquire ako July 23 ay naging 20,623.36 napansin ko n nbawasan ako Ng 145.00 tpos sabay withdraw n po ako bkit ako kinaltasan Ng 145.00 dko alam dahilan po thx po sn msagot po
Hi Joey, sorry ngayon ko lang nakita ang question mo. Ano ang nakalagay na description sa 145? Makikita mo ito sa Transactions kung ano ito – kung online payment o iba pa. Mas okay kung tingnan mo sa BDO online banking https://www.bdo.com.ph/, hindi sa mobile app, kasi mas clear yong descriptions sa online banking. Mukhang hindi penalty ito at hindi rin atm withdrawal kasi 145 lang. Puedeng online payment o load.
Hi po. Question lang po. BDO card po ang gamit na lagayan ng sweldo ng aking previous company, sila po nagprovide ng atm cards namin. Nagresign na po ako last December sa company na yon. Minsan po ay ginagamit ko ang natitirang balance pang load gamit ang app. Nasa 48 pesos na lang ang natitira kong balance this week at nakita kong nakain un today. Ang charge ay “Service Charge System Generated”. Zero balance na po ang card ko. Pwede ko pa po ba gamitin ang card na to? Kapag po ba nilagyan ko ulit ng laman ay may ikakaltas ba ulit ang bdo? Sana po ay masagot niyo ko.
Hi Sc, I searched BDO’s website kasi nag-iiba rin sila ng rules. Sabi sa BDO site, meron daw charge kapag 6 months na walang withdrawal o deposit ang cash card. Ang online payment ay hindi considered na active transaction. Hindi ko alam kung 50 o 100 pesos or more ang charge, so kung lagyan mo yan, babawasin yong kulang. Puede mo namang gamitin uli, mag-deposit ka at least once every 6 months. Kung loading lang ang gamit mo, puede mong subukan ang Paymaya o GCash, madali lang mag-open, kahit hindi ka kukuha ng physical na card, yong virtual na lang. Idownload mo lang ang GCash (Globe) o Paymaya (Smart) app from Google Play o Apple Store. Ngayon ay puede na kahit alin sa GCash o Paymaya kahit anong network ka. Puede sa 7-11 at iba pa ang loading. I have them both, kasi may gusto ako sa isa na wala doon sa isa.
Hi, Ms. Nora! ask ko lang po. 3 months na pong na zero yung account nag negative po dahil sa penalty ko for sure close na po yun diba po? magkkautang po ba ako sa bdo kapag ganon po yung nangyari? salamat po sana masagot
Hi cm, na-close na yong account mo, at kahit nag-negative, wala kang utang sa kanila. Puede kang magre-open ng account mga after 6 months.
Ma’am Nora good day po. Paano po ang gagawin kasi nawithdraw na po yung maintaining balance 2 weeks ago bale 13.00 na lang po ang natira sa ATM. Pero nakapaghulog pa po ang mother ko sa account ng pera kagabi lang po .Paano mo ang gagawin ma’am .
Hi Joy, kung 2 weeks ago nawidro, that means September nawidro, at kung ok naman ang maintaining balance last August, dapat successful na nadeposit ang padala ng mother mo. Nako-close lang ang account kapag na-zero ang balance. Meron lang penalty na 300 pesos sa last day ng 2nd consecutive month (magkasunod na months) kapag magkasunod na 2 buwan na hindi na-maintain ang account.
parang margin call sa trading..,pag ilang beses mo nabawasan yung maintain balance mo,, 5X in 3 months., tapos next month nag maintain na, pero nabawasan parin is dahil pala ilang beses mo na short ang maintaining balance? ganun po ba yun? ATM savongs account here 2,000 adb
Hi Erjoe, nababawasan kapag consecutive 2 months na hindi mo na-maintain. Ang penalty ay binabawas sa last business day ng 2nd month na hindi na-maintain. At babawasan uli sa next month kapag hindi pa rin na-maintain. At kung exactly 2k ang naiiwan sa account, dapat andon yong 2k every day of the month, from first day to last day of the month para considered maintained ang account. Kasi ang ginagawa ng bank to check if an account is maintained is to add all daily balances (total of 30 or 31 daily balances) then divide by 30 or 31. If the result is 2k or more, then na-maintain ang account.
so this means, ang choice ko lang po is dagdagan above 2k until observed na babawasan pa ang 300 hanggang ma stop na ang charge? as long as mantained or above 2k ang balance ko?
dahil if with in 30 days prior hindi pa na maintaned since kinaltas ko, ay babawasan ng 300? regardless na maintaned ko na ng 2k?
kasi yung last september., na maintained ko na then suddenly mga september 30, nabawasan siya.,
ganun po ba yun? tia.
Hi Erjoe, hindi mo pa siguro na-maintain noong September, kaya nabawasan pa rin. This October, dapat na-maintain yong 2k since October 1. Kung hindi, sabihin mo dito kung anong daily balances since Oct 1 para ma-compute natin. Para sure, dagdagan mo ang balance.
Hi mam mag aapply palang po ng atm debit card tanong ko lang po every mag withdraw po ba ako sa atm halimbawa 10k may tramsaction fee po ba yun ?
Second question po
Every year po ba or month mababawasan ang laman ng atm ko kahit na maintain ko ang 2k ?
Last mam
Ano po ba yung sinasabi nila na magkakaron ng interest mam ?
Hi Carl, walang fee kung magwidro ka sa BDO atm ng any amount. Merong fee kapag sa ATM ng ibang bank (11 pesos). Yong BDO cash card lang ang merong 2 pesos atm withdrawal fee kahit sa BDO atm mismo kasi ito ay cash card at hindi savings account. Walang bawas o penalty kapag na-maintain mo ang 2k maintaining requirement. About interest, parang walang interest kasi napakaliit (0.125% a year) tapos meron pang tax yong super liit na interest. Ang okay ang savings interest (3%), yong Komo digital account ng EastWest Bank. Idownload mo lang yong Komo mobile app.
Hi ma’am Nora
ask ko lang pag zero balance na ATM for more than 2 months. Pwede ba po bang hulugan Yun? Kase na oopen ko pa naman po Yung account ko sa mobile app. Mag dededuct po ba sya ma’am, just in case magkalaman? Thank you
Hi Ailyn, Kabayan savings ba ang account mo? Or cash card? Kasi bakit kaya active pa kung zero balance na. Usually kasi automatic na nako-close kapag zero balance na. Kung hindi Kabayan at regular ATM account, try mo ngang mag-balance inquiry sa BDO atm? In case lang na active (baka nag-iba na sila ng policy), pag 2 months nang zero balance, pag depositohan mo, babawasan yan ng 300 na penalty (ganun ang ginagawa ng BPI. I hope mag-comment ka rito kung active pa talaga pag you try ATM.
BDO (Visa)Debit Card po. Ok po Salamat po Ma’am Nora. ?
Ma’am Nora . Good day po .tanong ko lang pp .kakakuha ko lang po ng ATM card po kabayan savings account. Hindi po ako nainform na kailngan po pala muna-i activate sa bdo machine nila. ask ko po ma’am kung makakapasok na po ba ang ipapadala sa account kahit hindi pa po activated yung atm card??
Hi Ella, yes, papasok na ang ipapadala sa iyo sa account mo kahit hindi pa activated ang atm card, kasi active na ang account mo.
Madam Nora. Good evening.Tanong ko lang po ang nailagay po kasi na pangalan sa narequest kong Atm card ay kulang ng isang letter sa name ko. nung na claim ko na po ang atm ay saka ko na lang po pinaayos sa banko yung kulang na letter sa pangalan ko. pero yung cliname ko po na atm card ay kulang pa rin. at sa passbook ko po ay inedit na nila ang name ko. Madam ano pong name ang ilalagay ng magpapdala sa akin ? yung kulang po na letter na nasa atm card ko po o yung nasa passbook na na edit na po? Salamat ng marami madam
Hi Justine, nakita mo bang inedit din nila sa computer yong record mo? Tiningnan uli nila ID mo? Kasi ang nakikita ko kapag mag-print sila sa passbook, naka-connect ang printer sa PC at sa record mo. So dapat matched ang names. Kung nacorrect sa record mo, ang name na gagamitin ng sender mo ay yong correct name mo, yong name na na-edit na sa passbook. Yong sa debit card mo ay ok lang na merong kulang na letter, kasi yon yong alam kong hiwalay ang printing, tina-type nila sa card printer, so puede ngang magkamali yong nag-print. Pero sana pinakita mo uli na kulang pa rin ng letter. Anyway, ang important naman doon is your card number, expiry date and 3-digit security code at yong chip na naka-embed. Add ko lang na dapat hindi makita ng iba yang card no, expiry date and 3-digit code kasi puedeng pambili yan online.
Hello po can I ask pag ba naiwithdraw lahat ng laman ng Atm automatic bang close na yung account kase last January 2020 inilabas ko po lahat then ngpadala sila sakin sa atm invalid na yung atm ko ,ask lang po?
Hi Jem, yes, automatic na mag-close ang account kapag zero o negative na ang balance. Kung merong natira na few pesos o cents last January, di pa siya agad na-close. Na-close siya Feb 28, kasi naging negative na after na-penalty for not maintaining your balance in January and in February (2 consecutive months).
Hi! I have kabayan savings acct. I always maintain my balance na 100. Actually I have 1k+. Now its 3k po. When I check theres an interest-sys gen and interest witheld. Interest sys-gen was 0.17 and witheld was 0.03. Hindi ko po gets. Do u have any idea what is it? Kasi ive read articles. 300 yung kaltas eh pero ngayon 30 nlng so i’m confused with 0.17 na kaltas. Thank you po
Hi Angel, yong interest sys-gen na 0.17 ay na-earn na interest ng pera mo. So dagdag yan sa account mo. Yong 0.03 na withheld ay tax ng kinita mo na interest. Ibabawas yan sa 0.17. So actually ang kita mo is 0.17 minus 0.03 = 0.14. That’s 14 centavos. Kabayan ang account mo, meaning ang maintaining requirement niyan is at least one remittance from abroad within 24 months. Kahit 100 pesos lang ang laman ng account mo basta merong padala from abroad within 24 months. Kung walang padala from abroad within 24 months, dapat mag-maintain ka ng 2k pesos or more sa account mo para walang penalty na 300 pesos per month kada 2 consecutive months na hindi mo na-maintain ang account mo.
Hello po mag tatanong lang po ako nag pa open account po kasi ako nung September 8, 2020 tas ang maintaining balance ko po 2,329 , pwede ko po ba iwithdraw muna ang 2k?? Tapos kailan ko po dapat maibalik yung kinuha ko? Hindi po ba yan magkaka penalty pag kinuha ko ang 2k? Salamat po sa sasagot.
Hi Romelyn, 2,329 pa rin ba ang balance mo ngayon? That means walang nabawas for any fee or penalty. If 2,329 or more pa rin ang balance, puede mong iwidro ang 2k at ibalik mo on November 27 over the counter or sa BDO cash accept machine on Nov 30. Basta dapat andon na yong 2k starting Dec 1 at huwag mong widrohin. Dapat merong 2k or more sa account mo every day from Dec 1 to Dec 31 para walang penalty. Kahit hindi mo ma-maintain ang 2k requirement this month of November, basta ma-maintain mo sa month of December, walang penalty. Ang penalty ay tsina-charge lang kapag hindi maintained sa 2 magkasunod na months.
Ako po si paul, malaki po ang problema ko sa BDO savings ko, more than 1 year napo ako hindi nakakapag deposit dahil sa pandemya, at 500 pessos nalang po ang balance ko mula december 2019. Ano po angangyayari sa account ko?
Hi Paul, sorry, super delayed ang reply ko. Pero kung hindi mo pa na-try mag-balance inquiry sa ATM, malamang na closed na ang account mo noon pang last business day of Feb 2020. Nagka-penalty ka ng 300 pesos noong last business day of Jan 2020 for below-maintaining for Dec and Jan, at another penalty noong last business day of Feb 2020, at dahil nagka-negative na ang balance mo, na-automatic close na ang account mo. Puedeng mag-open ng new account, or find no-maintaning-balance accounts like GSave of GCash (partner of CIMB Bank) or Komo (Eastwest)
Halimbawa po ba nabawasa na ako ng 300 , lagi na po ba yan mangyayari sakin na babawasan ng 300 ang account ko?
Hi Romely, sorry, delayed reply. Yes, lagi nang merong 300 deduction hanggang maubos, kung hindi mo ibabalik sa maintaining-balance level. Sana 2k pesos na ang balance mo last Jan 1 para wala nang bawas this Jan 29 (last business day of Jan). Kung hindi mo nadagdagan at gusto mong ituloy ang account na ito, at mabawasan this Jan 29, dapat sa Feb 1, meron nang 2k pesos or more sa account mo. At maintain mo ang 2k pesos every day from Feb 1 to 28 para wala nang bawas sa Feb.
Kung hindi mo naman kelangan itong BDO account na ito, puede kang mag-open ng digital account sa GCash (partner ng CIMB) or Komo (Eastwest). No maintaining itong mga accounts na ito. Puede rin yong Cebuana Lhuillier savings account (no maintaining balance)
Good morning Ms, Nora , 1,035 nalang po total balance ng Atm card ko December 23 ,2020 . Paano kopo malalaman kung may penalty po ako na 300. Hanggang kailan po dapat ako mag deposit ng money para di po ako magkaroon ng penalty. And How much money yung dapat i deposit kopo.Thank you po Maam.
Hi Joana, sa Jan 29 (last business day of Jan), kung hindi mo mahabol ang maintaining balance mo, magkakaroon ka ng deduction na 300 pesos. For 2 consecutive months (Dec and Jan), hindi mo na-maintain ang account, kaya merong penalty. Kung gusto mong walang penalty, magdeposit ka ng 3k pesos tomorrow, (kasi Jan 22 na tomorrow) and do not withdraw. Magiging 4,035 ang balance mo, at mahahabol mo yong 2k na average daily balance for January. Kung hindi naman, at important itong account na ito sa iyo, accept the 300 pesos penalty, and on Feb 1 or before, magdeposit ka ng 1,300 para maging 2,035 ang balance mo, at huwag kang magwidro. Dapat nasa account mo ang 2k pesos or more everyday from Feb 1 to 28.
Another option is, kung ok lang na ma-close itong account na ito, at para hindi ka mawalan ng 300 pesos na penalty, close it (iwidro mo na lahat ngayon), then open a no-maintaining-balance account, yong mga digital accounts. Puede yong GSave ng GCash (partner ng CIMB Bank), or Komo ng Eastwest. Download the app on your mobile, prepare your ID and register. Kung ayaw mo ng digital, meron ding mga low-maintaining account like Landbank o China Bank Savings atm account na 500 pesos lang ang maintaining. Yong Cebuana Lhuillier savings account, walang maintaining balance.
Thank you Maam Nora sa mabilis na response, sa 2 months na po iyon 300 lang ang penalty or each month? And Maam 1,300 po sana i deposit ko kasi yun lang ang kaya ko to maintain the 2,000 balance. So within this month po until February 01 , 1,300 is enough na po ba i deposit maam? Thank you again.
good day.. po mam.. magtatanung lang po ako .. my balance po ko 2,021 .balak ko po sana kunin ung balance ko na 2k .ngayon … pero babalik ko po ng feb 5 .. magclose po ba ung account ko or magkakapenalty lang po . salamat po .
Hi ronmar, yon bang 2021 mo ay nasa account mo everyday from Jan 1 to Jan 31? If yes, hindi pa mako-close ang account mo, kasi first month ka pa rin namang hindi maka-maintain at meron ka namang maiwan na 21 pesos. Pero dapat kung Feb 5 ka pa magdeposit, ang ideposit mo is 2450 or more para maging 2k or more pa rin ang magiging average daily balance mo for the month of February, at para walang penalty on the last business day of February.
Hello po mam. Nagopen po ako sa BDO passbook ang gamit ko for savings po. 11,000 na po ang laman ngayon kaya lang po nagkaroon ako ng emergency na need pagkagastusan. If Iwithdraw ko po yung 9,000 ngayong February at may matitirang 2000 para sa maintaining balance, hindi po ba ako magpifenalty ng 300? Plan ko po dagdagan yung 2K ko na maintaining balance sa March. Salamat po
Hi Issa, based sa sinabi mo, magpepenalty ka ng 300 pesos sa March 31. Kasi hindi mo na-maintain ang account for 2 consecutive months (Feb and Mar). At kung hindi pa rin 10k or more ang balance mo everyday from April 1 to 30, magpepenalty ka uli ng 300 on April 30 (not maintained for Mar and Apr). Meron na bang 1 month ang account mo? Baka gusto mong iconvert na lang ang iyong account into an ATM account para 2k per month lang ang i-maintain mo. If you like it, visit your branch and ask to convert.
Good pm po katulad po maam ng sinabi nyo kay Maam Issa. May BDO regular account po ako na 10k ang maintaining balance, ask ko lang po sana kung pwde ko sya iconvert sa only ATM without passbook po? Na 2k lang ang maintaining balance? Tanong ko din po sana kung mapapalitan din po ba ang account number ng Account ko just in case na iconvert ko sa 2k Maintaining balance ang ATM ko. Salamat po
Hi Ken, puede mong irequest sa branch mo “puede bang i-convert itong passbook account ko to atm-only account with the same account number?”. Bring your IDs, passbook and atm card. Depende na sa officer kung ang gawin niya is direct conversion or ipa-close niya yong passbook account then you open a new atm-only account (which will have another account number). Yong Kabayan passbook account kasi ay automatic nilang kino-convert into an atm-only account after 24 months na hindi napadalhan ng foreign remittance yong account. Hindi ko sure kung gagawin din nila ang direct conversion kapag ni-request.
Kung important yong original Kabayan account number mo at mahirap palitan kung saan mo man siya na-submit, i-maintain mo na lang yan kung hindi pumayag ang BDO ng the same account number.
Maraming salamat po sa agarang pag sagot sa aking katanungan Maam. Nora! May isa pa po sana akong itatanong. Halimbawa po ang BDO rugalar account ko is iclose ko na po sya. Pati po ba ang mobile banking mag koclose na din po ba. Doon ko po kasi plagi chinecheck ang laman ng Regular account ko na 10k sa Mobile banking. Then pati po ang Kabayan savings ko doon ko din po chinecheck sa iisang Application. So halimbawa po ba na iclose ko na ang BDO Regular account ko maoopen ko pa din po ba ang Mobile banking ko para macheck ko pa din ang Kabayan Savings ko just in case na mag deposit ako ng Pera. Salamat po ng marami Maam Nora. God bless po
mam nora pano po kung ngaung month ko po iwithdraw.. ung 2k .. tpos baka mabalik ko po sya ng feb 25 di pa po ba mgclose un or penalty
Hi ronmar, very sorry I missed your question. Nawidro mo na ba yong 2k at zero na ang balance? Automatic na siyang closed. At hindi na mareactivate. Pero kung merong natira kahit cents, active pa rin siya, at ok pa rin when you return the money on the 25th. Make sure na andon yong 2k every day from March 1 to March 31 para hindi maging consecutive 2 months na not maintained at para walang penalty.
Hi po, Ma’am nora. Just want to ask po regarding my bdo dormant account. Is there a way na mareactivate siya? And possible po ba namakapag open ako ng new account sa bdo even if meron akong dormant account? Thanks in advance po.
Hi Ella, yes, to reactivate your account, just go to your branch with your IDs and inform the teller “pa-reactivate po ng dormant account ko”. Bring your passbook and/or atm card. About opening a new account: If you’re opening the same type of account, no, you cannot open a new account. Are you planning to open a new account in a branch near your house because your dormant account was opened in a place far away? Try asking that nearby branch if you can reactivate a dormant branch in another branch far away. If not, open another type or open in another nearby bank.
Good afternoon po Maam Nora. itatanong ko lang po sana,Halimbawa po yung Peso savings na 10k maintaining Balance is kinomvert sa ATM only na 2k ang maintaining balance. Halimbawa po na naiconvert na as ATM Only, pwde pa din po ba itong mapadalhan ng pera galing po sa Abroad. Salamat po sa Maam, God bless po
Hi Nek, sorry for the delayed response. Yes, puede pang depositohan from abroad ang account na na-convert into a 2k-maintaining atm-only account. God bless din
madam
nawala bank book ku panu ku makukuha ang account numberq
Hi bailyn, sorry for the delayed response. Meron ka bang deposit slip dati. Andon ang account number mo, after Savings Account Cash deposit. Nagsisimula sa 00 then 10 digits. Puede ring pumunta ka sa any BDO branch, at tanungin mo doon sa new accounts teller. Titingnan nila sa computer. Minsan titingnan din nila IDs mo. If you like to have your passbook replaced, magpagawa ka ng Affidavit of Loss sa notary near schools or sa munisipyo (ask around kasi merong munisipyo offering free notary). Marami ring affidavit of loss format sa online, google mo lang, ipa-print mo then pa-sign mo sa notary. Hanapin mo yong 100 to 150 pesos lang.
Ooops, sa papa mo nga pala yong account, sori hindi puedeng ikaw ang magpa-replace. Kelangang yong owner ang magpapa-replace.
madam pwd kuba gmitin ung ky papa na bdo e online q
Hi bailyn, do you mean i-enroll mo yong account ng papa mo online? Yes, puede basta alam mo ang bank details ng papa mo, at nasa iyo yong atm card. You need the atm card to validate your online enrollment.
Hi po madam. Ask ko lang po if kahit ba hindi na ginagamit ang credit card ko from bdo eh mag ccharge pa din sila ng monthly fee? More than 1 year ko na po kasi hindi ginagamit, pero hindi ko lang sure if nag charge pa din ng fee. Wala din po kasi bill statement or email from bdo regarding monthly dues. If yes po, saan ko po makikita yung outstanding ko and pwede pa din po kaya yun ipavoid? Thanks in advance po!
Hi Charles, oo, kahit hindi ginagamit ang credit card, tsina-charge pa rin ang monthly fee. At siempre meron yang interest at penalty kung hindi mo binayaran yong minimum due. Try mong i-check ang balance mo dito: BDO Credit Card Balance Quick Inquiry.
To get more details, i-enroll mo ang credit card mo dito BDO enrollment para makita mo ang balance and transactions mo online. I-click mo yang “I… agree with the Terms and Conditions”, then Submit, then fill-up the form. Kung malaki yong total dues mo, makipag-usap ka sa BDO, sabihin mo wala kang statement na natatanggap, at ang alam mo ay walang monthly fee kung hindi ginagamit.
Hi po ulit madam. Just check po, nakalagay po outstanding balance is “0.00”.
Ibig sabihin po ba eh wala po ako kelangan bayaran?
Hello po ulit madam.
Nacheck ko na po yung sinend niyo na link at nakalagay po for outstanding balance is “0.00”. Ang ibig sabihin po ba eh wala po akong kelanan bayaran na monthly fee since my last transaction?
Thanks po in advance.
Hi Charles, wow! that’s super great! blessing mo yan! talaga? Happy for you. Maybe because of the pandemic? Mamya if I can, I’ll research nga if BDO suspended monthly fees. Kasi ang monthly fees or annual fees ay binabayaran kahit di ginagamit. I-screenshot mo yong inquiry mo and keep it.
Opo madam. Pero nakapag tataka lang din po at walang monthly fee sa tagal ko na po hindi nagagamit ang CC ko. Last payment ko po was 2019 pa according sa Data po.
Hellow po Good Pm. Ask ko lang po ilan days po bago mablock ang account sa BDO kung 50pesos na lang po ang Balance. Salamat po
Hi Nek, kung noong February ay meron kang 2k or more sa account mo everyday from Feb 1 to 28, at ngayong March ka nagwidro, magpe-penalty ang account mo ng 300 pesos sa April 30 (dahil 2 consecutive months, March and April, hindi ka naka-maintain) at dahil 50 pesos na lang ang laman, mag-negative at mag-automatic close na.
Hi ask ko lang po laging 10k ung maintaining ng joint acct namin pero bkt 2 months na po nababawas ng 300? Nagagalaw ung laman pero never bumaba sa 2k
Hi Ann, ang joint account nio ba ay passbook account? Ang maintaining balance nito is 10k. This means na dapat merong 10k ang account nio EVERYDAY from the first day of the month to the end of the month. If you like, you two can ask BDO to convert your joint account from passbook to atm account para 2k lang ang maintaining balance nio.
May tanong po ako mam, simula po kase nung pandemic last year kinuha ko po yung maintaining balance tapos gusto ko po gamitin ngayon yung card ilan po kaya ang penalties ko ..o mag kano po ang babayaran ko mam?
Hi Marvin, since March last year? Sinubukan mo na bang mag-balance inquiry sa atm? Kasi kung since March or April pa na zero or few hundred pesos ang naiwan sa account mo, matagal nang automatically closed ang account mo. Ang BDO is hindi nagpapa-reactivate ng closed account. Nagpapa-open sila ng new account after some months. If you’re near a BDO machine, try making a balance inquiry.
Hi po maam may tanong po ako last March 31, 2021 ay na withdraw ko po lahat ng maintaining balance ko po at balak ko po sanang mag deposit sa account ko at may pumapasok na remittance sa account ko po every 6th and 20th of the month paano po yung remittance amount na pumasok sa account kapag nag automatic close account na po ito maibabalik pa ba nila iyon sa akin maam?
Hi Roselyn, meron bang natira na cents or few pesos sa account mo? Kung meron at maintained ang account mo sa month of February at March lang hindi maintained, active pa ang account mo at papasok pa ang remittance mo sa 6th. Puede kang mag-balance inquiry sa BDO machine to check.
Ang account mo ba is atm account na 2k yong maintaining requirement? Para ma-maintain mo ang account mo, mag-iwan ka ng at least 2,600 on April 6 at huwag iwidro. Hayaan mo yang 2,600 everyday sa account from April 6 to April 30. Kung kelangang iwidro, mag-iwan ka ng at least 300 pesos para merong magamit sa below-balance penalty this April 30.
Kung closed na ang account at merong remittance, hindi madedeposit ang remittance sa account. Ang gagawin ng sender is pumunta sa remittance company at request for refund or change remittance mode from “Deposit to account” to “Cash pickup” para i-pickup mo over the counter at the bank.
Hello maam ask kolang po if kukuha ako ng savings acct sa bdo as a working student pero wala ako valid ID possible puba yun? Thank you po!
Hi qwerty, valid naman ang school ID (yong digitized) with signature of principal or school head plus registration card or document (proof you’re currently enrolled). Tatanungin ka lang kung anong purpose mo, kung saan ang source ng pera mo, etc. Meron ding ibang bank officers na irerequire ang additional ID. Kung savings ang purpose mo for opening an account, puede yong digital account na GSave (CIMB Bank). Higher interest rate and no maintaining balance requirement. Puede mong ma-open ito thru GCash kung meron ka nang GCash, pede ring i-download mo yong CIMB mobile app and register.
mag dedeposit sana ako sa account ng mother ko pero it seems na close yung saving account ng mother ko..dahil 2 months nag zero balances sya..pero nalogin pa rin ako sa Online Banking ng BDO gamit ang account ng mother ko po. is there a way na ma activate ulit yung account ng mother ko?.. savings account with passbook kasi yun. Thank You
Hi Rey, regular passbook account ang account ng mother mo? Hindi Kabayan? Kung regular passbook account, malamang closed na. Try making a balance inquiry at a BDO machine. Kung closed na, hindi nagpapa-reactivate ang BDO. Ang advice nila is to open a new account after some months. I-send mo na lang muna for CASH PICKUP. Send your reference no.
Hello, what if ginamit ko yung maintaining balance last month (March), pero wala pang one week naibalik ko naman agad. Then this month, gagamitin ko uli, pero magiiwan ako ng P1000 sa atm. At ibabalik ko ito first week ng May. Ano mangyayari? Will I be deducted P300 by the end of the month? o macoclose agad since two consecutive months na hindi namaintain ang P2k? Thanks in advance.
Hi Jay, yes, magkakaroon ka na nang 300 deduction sa April 30 dahil maging 2 consecutive months na hindi mo ma-maintain ang account mo. Dapat yong maintaining na 2k ay nasa account every day from 1st day to last day of the month. Puede namang below 2k ang balance for some days basta lang much more than 2k ang ibang araw para kapag mag-compute sila ng average daily balance for the month ay 2k or more ang average. Kahit meron kang deduction na 300, basta hindi maging zero o negative ang balance, hindi pa mag-close.
If it’s difficult to maintain, you might like to check out digital accounts like Komo from Eastwest (can request atm card) or GSave of GCash in partnership with CIMB)
Thanks, may emergency lang po kaya balak ko gamitin muna yung maintaining balance then ibabalik ko naman first week ng May. And yes po, may ibang araw na more than 2k ang laman ng atm ko, pero starting bukas, mababawasan po iyon dahil gagamitin ko po. Pero magtitira naman po ako ng P1k para kahit magdeduct sila ng P300, hindi pa rin negative at hindi maclose.
Hi Nora, ask ko lang po kung may penalty po ba kung kukunin ko yung 1k sa 2k maintianing balance for example kinuha ko yung 1k ng April 15 tapos binalik ko siya ng April 30. magkakaron po ba ng 300 pesos penalty? thank you
Hi DJay, kung noong March ay na-maintain mo ang 2k every day from March 1 to March 31, at ngayong April ka lang hindi maka-maintain every day, wala ka pang penalty this April 30. Dapat mula May 1 to May 31 ay andon yong 2k para walang penalty on May 31. This means na dapat hindi magkasunod na 2 months na hindi ka maka-maintain para wala kang penalty.
Hi po maam. Ask ko lng po. Kasi yung debit card ko na maintaining balance ay hindi ko na maintain po at sa time na nabawasan po yung maintaining balance ko hanggang nag charge sila at naubos naging zero balance po. Ano po ba magiging tendency? I close na po ba nila yung debit card ko or hindi, pero mag pepenalty sila every month? Pwede rin po ba na i closed nlng at mag apply ulit for savings? Thanks po
Hi Renie Mae, noong nag-zero balance na yong account mo, nag-automatically closed na. Oo, puedeng mag-open uli ng new account. Important ba na BDO ka mag-open dahil sa remittance o iba pang reason? Kung hindi remittance at gusto mo lang mag-save, merong mga digital accounts ngayon na zero maintaining balance at mataas pa ang savings rate, katulad ng Komo (Eastwest Bank) or GSave (CIMB Bank, puede sa GCash mag-open kasi mag-partner sila). Yong Komo, nagbibigay sila ng debit card after 2 or more weeks. Merong pang Diskartech (RCBC) o Tonik. Kung it’s for remittance, merong mga zero maintaining accounts na pang-remittance katulad ng BDO Kabayan o BPI Pamana Padala o yong mga OFW accounts ng ibang banks. When you open, just bring recent receipts to prove that you are receiving remittance from abroad.
Good morning maam nora ano po mang yayare if nabawasan kopo ng 500 yung 2k na remaing balance sa atm 1st time lang naman po nagalaw dikopo kasi alam na bawal.bawasan yung remaining balance kahapon kolang po sya nabawsan pwede poba na yung nag papadala samin yung maghulog po ng 500 my penalty napo ba yon maam salamat po
Hi mam Good day po
mag ask lng po ako kung madedeposit
pa poba sa atm close anccount ang remitance?
Hi carla, kapag closed na ang account, hindi na madedeposit ang remittance. Nag-balance inquiry ka ba sa atm at nabasa mo closed account na or no existing account na? If yes, ask your sender to go back to where he sent the money at i-request na i-amend yong remittance from “deposit” to “cash pickup” para kunin mo over the counter sa bank. Meron dapat reference number from your sender at name of remittance company at amount sent.
Hello po good morning po magtatanong lang po, nagopen po ako ng passbook. paano po kung ang regular savings po na nasabi ko ay 2k regular savings. Pero di ko po sya monthly nahuhulugan ng 2k or mas mababa po sa 2k okay lang po ba yon or mapepenalty? Sana po masagot salamat po
Hi Dianne, atm ba or passbook account ang inopen mo? Kasi kung passbook, 10k ang maintaining requirement. Kung atm savings account, 2k ang maintaining requirement. Hindi required na every month ay maghulog ka ng 10k (if passbook) or 2k (if atm) or more. Ang requirement is meron kang 10k (if passbook) or 2k (if atm) or more sa account mo every day. Puede namang mas mababa sa 10k or 2k ang nasa account mo sa ibang araw basta sa ibang araw, mas malaki ang laman, para kung mag-average na ang bank on the last business day of the month, 10k or 2k or more pa rin ang average daily balance mo.
To summarize, kung atm ang account mo, dapat every day, 2k or more ang balance ng account mo.
Hi Ma’am Nora,
Hope you could help me po, nag zero po yung account ko but pero may mga parating na pera dun or duamting na [ero nung tumawag ako sabi closed na daw BDo po sya by the way, is there any possibilities na ma open po sya ulit? or how am I going to recieve those remittances na dumating pero hindi nakapasok sa accoutn ko dahil closed na sya…
Hi tine, sad to say na hindi nagre-reactivate ang BDO ng closed account. Ang remedyo is to ask your sender to go back to where he sent the money and make an amendment o change yong remittance mode from “Deposit to account” to “For cash pickup at BDO”. Dapat makakuha siya ng reference number para ito ang gamitin mo para makuha mo over the counter at BDO, at hindi na thru your account, kasi closed na.
Hi po, mapepenalty po ba agad ng 300 kpag the first time na mag wiwithdraw below maintaining balance?
Hi Julius, hindi, basta merong naiwan na amount at huwag zero. Halimbawa, nag-below maintaining balance ka starting today, at hindi mo na ma-maintain the rest of June, dapat ma-maintain mo ang account mo next month (July) para walang penalty on July 30. Ang penalty is charged after 2 consecutive months na hindi maintained. Dapat starting July 1, maintaining balance or more na ang amount sa account mo.
hi mam good evening 2k maintaing balance ko kaso nung pag ka march 17 nag withdraw ako 1k then nag deposit ako na nung 1050k nung march 21 … so 2,050 na ulit kaso ngaun april 2 withdraw ko ung 2k kasi nag emergency meron natira sa account ko 50 incase na mag deposit ako nang 2k ngaun april 7 meron naba ako penalty ???
Hi lyn, yes, magkakaroon ka na ng penalty sa April 29 kasi 2 consecutive months (March and April) ka nang hindi naka-maintain. Para hindi ka ma-penalty, magdeposit ka ng 2,500 or more on April 7 para ang daily average mo ay magiging 2k. If you’re starting in your career, maybe you start with digital banking accounts (they have no maintaining requirements), like Komo of Eastwest, CIMB thru GCash, ING Bank, Union Digital or wait for Maya Bank (Paymaya). Puede ring Diskartech (RCBC) or Tonik Bank. Hanapin mo itong mga banks sa FB pages to get comments from people about these banks.
Hi maam, meron lang po ako tanong at sana po masagot, meron po akong 2k na maintaining balance sa bank ko. Ngayon need ko lang po talaga kumuha ng 1k pero bbalik ko din naman po after 2 days. Magkakaroon na po ba ako ng penalty pr magcloclose account na? Thankyou po. And please reply po. ❤️
Hi Heidi, merong maiiwan na 1k, di ba? If yes, okay lang na magwidro ka ng 1k, hindi magkakaroon ng penalty at hindi mako-close. Make sure lang na sa month of August ay merong 2k ang account mo everyday from August 1 to 31. Magkakaroon ng penalty kapag dalawang magkasunod na buwan ay hindi mo ma-maintain.
Maam nora may tanong po ako kasi po 2 consecutive months na ako na penalty ng 300 pesos yung huli is june 30.kapag ba dinagdagan ko yung maintaining balance ko d na po ba ako kakaltasan ng bdo na 300?
Hi Rome, yes, kapag i-maintain mo this month of July, wala ka nang penalty on July 30 (last business day of the month). BDO atm ito? at 2k ang maintaining balance, di ba? Kung bukas ka magdeposit (July 4), magdeposit ka ng amount para maging 2,300 ang total balance at huwag mong galawin this July para maging 2k+ ang average balance for the month of July. Computation for July: Average daily balance is 2,300 x 28 days (natitirang araw ng July) = 64,400, then 64,400 / 31 days = 2,077.42 (yan ang average at more than 2k siya, so maintained mo ang account mo for July)
Hello po, yung atm ko po is na chargan ng service chg sys gen nung June 30, 2021. Active pa rin po ba yung atm ko?
Kasi po sahod ko po bukas, takot po kasi ako baka po kasi hindi pumasok sa atm ko. Kasi po yung tita ko nasa ibang bansa tapos nagpapadala po siya thru western union direct po sa bank account ko po, 3 days napo pero hindi parin po pumasok sa atm ko. Na confirm naman ng tita ko sa western na na sent na yung pera pero zero balance po yung account ko.
Hi Shiela, ngayon ba nagamit mo pa sa atm ang card mo? Kasi kung nagamit mo pa, at meron kang nakitang balance na centavos or few pesos, ibig sabihin active pa ang account mo, at baka yong padala via Western Union ay na-send na pero hindi pa na-credit sa account mo, kaya wala pa. Kung hindi mo pa na-check ang card mo today, try mo mag-balance inquiry sa atm ng bank mo ngayon para makita mo ang balance mo. Kung merong response ang atm at makita mo ang balance mo, Active pa ang account mo.
By the way, magkano ang service charge? Around 15 pesos? That’s atm withdrawal fee. Kung 300 pesos, that’s below-maintaining balance penalty.
Hi po maam Nora, 0.00 napo balance ku sa savings account ku. . Closed na po, ang tanung kulang tutuo bang after six months pa ulit aku maka pag open nang bagong account.? At pariho pa rin ba ang prosiso sa una kung pag open account or meron nang karagdagang requirements. . Salamat po
Hi Sundo, yes, sabi nila makapag-open ka ng new account (same type) sa BDO after 6 months, pero kung passbook account yong na-close, pede kang mag-open ng atm savings agad. Yes, the same requirements pa rin. Kung hindi namang kelangan na BDO ang i-open mo na account, pede ka naman sa ibang bank. Yong mga digital accounts, walang maintaining balance, katulad ng CIMB (partner ng GCash, pede kang mag-open ng GSave sa GCash), Komo by Eastwest, Tonik o RCBC Diskartech. Yong Komo ang madaling magbigay ng atm card (about one month after opening and depositing). Yong GSave ay okay rin kasi maraming partners ang GCash.
Mam ask konlng po my 2k remaining balance po ako magwidraw po ako now ng 500 . Magcoclose account na po ba or mapepenalty na ako next week mn din po ako magdedeposit para mapunan ko Yung 2k remainingBal.
Hi Mary, hindi mako-close kasi merong balance na maiiwan. Mako-close kung iwidro mo lahat at maging 0.00 yong balance. Kung halimbawa August 6 ka na makadeposit, dapat magdeposit ka ng at least 600 para maging 2,100 ang balance mo at huwag mo nang galawin para ma-maintain mo ang account mo this August. Kung hindi mo ma-maintain ang account mo sa 2 magkasunod na months (July at August), merong penalty na 300 sa August 31.
Hello po, nabawasan po ako ng 300 this June and July pero more than 2000 naman po yung laman ng account ko daily and monthly since di ko naman binabawasan more than that. Nagagamit ko naman po siya sa online transactions pero hindi po ako nagwiwithdraw or deposit sa bank/atm. Ano po kaya ang reason bakit lagi ako nacharge ng 300? And ano po pwede gawin dito? Thank you po in advance.
Hi Lei, BDO atm savings ang acount mo? at hindi passbook? Kung atm savings, dapat every day of the month merong at least 2k sa account mo. Hindi mo siguro nadedepositohan agad ang account mo pagkatapos mong magamit sa online transactions mo, kaya merong mga days na less than 2k ang laman. Halimbawa, bumili ka online ngayong gabi ng product using your account, tapos kinabukasan ka lang nagdeposit, so merong day na less than 2k yong balance mo.
Hi Miss Nora, My concern is nagagamit ko po yong maintaining balance na 10k month of May pero nabalik ko po sya on the next month at nawithdraw ko po uli at naibalik ko dn po month of july at di ko na po nagalaw, nabawasan napo ako ng 300 from May june july, babawasan prin po kaya ako sa august? Ano po dapat gawin ko? Ibig sabihin po ba nito kilangan ko na po ipaclosed yong savings account ko po?
Hi Marriden, nabawasan ka pa rin ng July kasi merong days sa July na less than 10k ang balance, so ang naging daily average for July ay less than 10k. Kung hindi mo napalitan yong 300 pesos na penalty last July at 9,700 ang balance mo Aug 1 to 3, kelangang magdeposit ka today or tomorrow ng 500 or 600 para when the bank computes the daily average for August, magiging at least 10k.
Kung medyo nahirapan ka mag-maintain ng 10k, at wala namang big reason bakit kelangang passbook ang account mo, pede ka pumunta sa branch mo with your IDs at sabihin mo mag-open ka ng atm savings account (maintaining balance is 2k) at iko-close mo yong passbook account mo.
Hi ma’am, tanong lang po if yung 300 na deduction, daily po ba yun once yung ADB ay hindi namaintain sa 2nd consecutive month and succeeding days? Thank you po in advance sa sagot po ninyo.
Hi RJ, hindi daily. Once per month lang, charged on the last business day ng 2nd month na hindi maintained. Kung sa next monh, hindi pa rin maintained, meron uli penalty at the end of the month. Titigil lang pa na-maintain na uli.
Mam nakalimutan ko ung maintaining balance paano kung 2.25 pesos na lang po ung natira sa acount ko? Maclose po ba ung account?
Hi Alia, hindi pa ma-close ang account mo kasi hindi pa zero. Na-maintain mo ba ang account mo last month? Kung hindi maintained last July, at hindi rin ma-maintain this month of August, macha-charge ka ng 300 pesos on August 31. Kung ayaw mong ma-close, dapat maglagay ka ng 300 pesos para hindi mag-zero or mag-negative kapag i-charge yong penalty. Kung na-maintain mo last July, at hindi mo ma-maintain this month of August, dapat sa September ma-maintain mo para walang penalty. Dapat merong 2k or more every day from Sep 1 to Sep 30. Depositohan mo ng 100 pesos or more ang account mo para meron pang matira kung merong charge, halimbawa atm withdrawal fee if you used another bank’s atm (minsan delayed yong pag-charge).
Hello po ma’am, may 2,500 balance po ako, gusto ko po bawasan ng 500, para po 2,000 prin po maiwan. Wala po ba yang penalty kahit 2 consecutive months po walang trans?
Hi Alexis, walang penalty kasi 2k ang balance every day for those 2 months. Make sure na sa pagwidro mo ay 2k talaga ang balance na maiwan. On Sep 1, check your balance online, baka lang merong na-minus on Aug 31 na withdrawal charge or any small fee na hindi na-minus agad.
Hi Ms. Nora, pa help po sana. Sabihin po natin na atleast 2 years ko na po hindi na huhulugan ang debit card ko po at sa pagkaka-alala ko Php 0.00 (or may konting barya) ang laman nito. Ibig sabihin po ba nito ay ang penalty na Php 300.00 every 2 consecutive months ay maiipon hanggang magclose ang account ko? At kailangan ko po itong bayaran kasama ng Closing fee? Maraming salamat po!
Hi Gina, wala kang babayaran. Nag-automatic-close na ang account mo. Sa last business day of 2nd month na hindi maintained, mag-automatic deduct ng 300 pesos. Dahil wala nang laman or less than 300 ang laman, mag-automatic close na ang account. Walang closing fee at wala kang kelangang bayaran sa BDO kahit mag-open ka ng another BDO account (puede after 6 months). Kung gusto mo, mag-open ka ng digital account alinman sa GSave via GCash o Tonik o Diskartech o OFBank. Just download the app.
Pano po ngayon nag withdraw ako ng 500 from may savings na may maintaining balance na 2k? Pero ibabalik ko dn naman sya agad kundi bukas o sa isang araw. May magging chargr kaya ako from that? Sapamat sa magiging tugon
Hi Christian, okay lang naman, walang charge. Dapat sa Sep 1, ang balance mo ay 2k (or more kung meron ka pa) at huwag ka nang magwidro. Dapat everyday from Sep 1 to 30 ay 2k ang balance mo. Merong penalty kapag 2 magkasunod na months ay hindi mo ma-maintain.
Hi mam Nora,
Ask ko lang po mag pepenalty po ba ko s bdo bank ko maintaning bal.ko is 10,000 nagalaw ko po yun pero this sept. 10 mababalik ko sya mappenalty po ba ko or mag closed account ko? August20 maybe ko nagalawa yung maintaining balance.sana po masagot nyo thank u po.
Hi Apple, kung hindi mo madagdagan ang balance mo to much more than 10k on Sep 10, magpepenalty ka na sa Sep 30 ng 300 pesos, kasi hindi mo na-maintain nitong August at hindi mo rin ma-maintain this Sep. Merong penalty kapag 2 magkasunod na buwan ay hindi maintained ang account. Kelangan ba na passbook ang account mo? Kung hindi naman, I suggest na pa-convert mo na lang yan into an ATM debit card – 2k lang ang maintaining balance. Mag-open ka ng new atm account then iko-close yan. Bring at least 2 IDs and your passbook.
Hello. Recently po, gumawa ako nang online transaction via BDO digital banking app. Dinepositan ko po cya nang 23,000 kahapon then tinransfer ko to someone elses BDO account yung 22,000. May balance pa naman po akong 1,100. Pag check ko ngayon po, yung same amount na 23k na dineposit ko, nag deduct sya sa account ko, meron na akong balance na -21,900. Dinepositan ko ulit 7k, ngayong balance ko ay -14,900. Pwede ba yun maging negative? Salamat po
Hi Jamie, ang alam ko, hindi nagne-negative ang account. Nagne-negative lang pag merong penalty, then automatic closed na. At hindi mapa-process ang Send Money kung ang amount na ipapadala ay more than sa balance. Sasabihin “Insufficient balance.” Screenshot mo yang last transactions mo, then try to check your balance sa BDO Online, sa bdo.com.ph. Ganon ba rin ang transactions mo sa online?
Hi po. Below maintaining balance ata ang laman ng bdo account ko before Aug 1. So nabawasan ako ng 300,pagcheck ko ng Aug 1. Then ngdeposit po ako ng 2k nung Aug 8,then nagtransfer ako from gcash nung Aug 16 ng 4700 then nasa 6700 na then nagwithdraw ako, pero naging 500 na lang ang balance kasi ngkamali ako ng enter ng amount sana magiiwan ako ng 2k,then before Aug 31 nagtransfer ako ng 7k. Nagwithdraw din ako ng pera nun at may naiwan na 2308. Pagcheck po ngayon ay kinunan na naman ako ng 300.Iniisip ko po kasi if within 2 months kung nag penalty sila,eh wala pa naman po na two months na nagfall ako below minimum. May way po ba para maview ang mga transactions sa account ko even naka atm lang. Alam ko po kasi nagfafall ako below maintaining balance since I created my account last year pero first time ko mabawasan ng 300 nung Aug 1. Is there a possibility they will still deduct 300 from my account?
Hi Rachel, dahil nabawasan ka ng penalty noong July 30 (last business day), it means that below-maintaining ka noong June and July (2 consecutive months). Nabawasan ka uli August 31 kasi below-maintaining ka July and August (2 consecutive months). Kelangan mo ba itong account na ito? For remittance ba? Ang pinaka-simple talaga is to maintain 2k sa account mo, every day of the month. Puede namang lower than 2k during some days, pero dapat malaki ang balance on some days para pag magcompute na sila ng average daily balance for the month ay 2k or more yong daily average. Puede kang mag-enroll sa BDO online banking, then later on, idownload mo yong BDO mobile app para ma-monitor mo ang account mo. Sa youtube, maraming “how to enroll in bdo online banking.”
Bale, 2008 ang balance mo ngayon? 2008 everyday mula Sep 1 to Sep 4? Kelan ka makapagdeposit ng dagdag, para ma-compute ko kung ok na o kulang pa para ma-maintain mo ang account mo this September.
Hello, my maintaining balance has always been more than what is required but I suddenly got a deduction last month. Is there any other reason for the sudden deduction? I forgot the type of my account but it’s the savings account with the highest interest. I recall na may maximum na allowed na withdrawals for it for me to maintain the interest rate for the month pero I don’t recall being told na may deduction if I have too many debit transactions from it. And thanks for asking, I’ll add this type of charge to my post, might help others.
Hi Ilianya, same with you, I didn’t know there’s a charge for every client’s debit in excess of 3, for the BDO Optimum Savings account. I checked their website, and I saw this: “In excess of 3 client-initiated withdrawal/debit transaction per month, the charge is Php 110.00 per excess transaction.” You still earn your interest because you’re maintaining your account. Yes, it’s sad but sometimes, the tellers forget to tell clients the charges and other important rules.
Hello po maam yung natira po sa 2k remaining balance ko ay 54 pesos po at baka sa 30 ko pa po sya maibabalik ulit. Mag coclose po ba agad? May penalty po ako last month.
Hi Tine, ibig mo bang sabihin ay nag-penalty ka ng 300 pesos last month dahil sa below-maintaining balance? If yes, mape-penalty ka uli this Oct 29, at dahil 54 na lang ang balance mo, at hindi kasya para pambayad sa 300 pesos, ma-automatic close ang account mo. Dapat magdeposit ka ng 300 pesos before 29th para merong pambayad sa penalty na 300 pesos at para hindi ma-automatic close ang account mo. Kung parati kang nape-penalty, at wala namang reason bakit kelangang ma-maintain mo itong BDO account na ito, consider opening a zero-maintaining-balance account with digital banks like ING, CIMB, Komo, UnionDigital or Diskartech.
Hi Maam, question po
Maintaining balance ko po is 2k, tapos nagalaw ko sya ng feb but nabalik ko rin ng feb 28.
Tapos if gagalawin ko sya nitong march ulit at below sya sa mdb, mababwasan na ba ako ng 300?
Paano kapag nabalik ko ung minimum ulit within march?
Tapos binawasan ko ulit ng april.
Bale magkano po magiging penalty?
Nalilito po kasi ako sa 2 consecutive months. Ibig ba sabihin every 2 months na magkasunod ka lang mapepenalty?
Hopefully masagot po.
Thank you
Hi Ericka, yes, magkakaroon ka na ng penalty sa March 31, kasi hindi mo na-maintain ang Feb at March (2 consecutive months). Kung hindi mo rin ma-maintain ang April, meron uli penalty sa April 29 (last banking day of April), kasi hindi uli na-maintain for 2 consecutive months uli (March and April). Ang ibig sabihin ng ma-maintain is dapat merong 2k or more EVERYDAY sa account mo. Kung hindi everyday na 2k, dapat sa ibang araw ay merong much more than 2k para mapunuan yong days na less than 2k. Kasi ang pag-compute nila ng maintaining balance ay ganito: Add daily balance from first day of the month to 2nd day to 3rd day to 4th day, etc., to last business day of the month, then divide nila by 30 or 31 or 28 (if February). Dapat ang result ay 2k or more.
Thank you po.
Follow up question po.
Kapag d ko po namaintain ung mar-april
Then sa month ng May namaintain tapos sa june hindi.
San po ung deduction?
April and june po or april and july pa if pati july d po namaintain?
Thank you po ulit 🥺
Sori, Ericka, for the late reply. Magkasunod yong March and April na hindi maintained, so meron nang penalty sa April 29. Yes, merong penalty sa July 29 kasi magkasunod uli na June at July na hindi maintained. Yong sa June, walang penalty, kasi maintained ang May.
Hello po, nag open po ako ng savings account sa BDO nung March 21, 2022 and student palang po ako. Ano po yung maintaining balance ko po kaya?
Hi Yeng, atm savings account? Walang passbook? If atm only, ang maintaining balance mo is 2k. Dapat merong 2k sa account mo, at huwag mong galawin. Kung merong month na hindi mo ma-maintain, make sure na sa susunod na month ay ma-maintain mo. Merong penalty kapag magkasunod na month ay hindi mo na-maintain.
Hello po, nag open po yung boyfriend ko po sa bdo. Savings acct din po, kaso to follow po yun TIN number kasi wala pa po sya nun then nung kukuhain na po ang atm ay hindi po binibigay hanggat wala pong TIN number. Pano po kaya yun? Refund pa po kaya ang 2000pesos. Thank you po
Hi maam ask ko lang po kasi simula nung nag open ako ng account sa bdo lagi po walang laman account ko ginagamit ko lang sya sa payroll tapos withdraw agad ang open po ako ng account janhary 2022 hanggang ngayun nagagamit ko pa po sya may possible po ba na iclose yung account ko? Kasi lagi po walang laman ginagamit ko lang sa transaction like payroll at bank transfer
Hi Jerome, kung inopen mo ang account mo in Jan 2022 at laging walang laman at hanggang ngayon active pa, it means na na-tag ang account mo na payroll account. Kasi kung regular account yan, noong nag-zero balance ay automatic nang closed, or kung merong laman na konti ay noon pang March 1 ay closed na. By the way, bakit mukhang hindi mo sure kung regular or payroll account, ikaw ba ang nag-open prior to getting employed by your current company, or pinapunta ka sa BDO ng current employer mo?
Hi Ma’am! Ask ko lang po bakit nabawasan 300 savings account ko samantalang nasa 2100+ po laman niya? ATM user here. Thanks po in advanced.
Hi Me, yang 2100+ ba ay everyday na nasa account mo simula May 1 to May 31? Para ma-maintain ang account, dapat merong 2k or 2k+ sa account mo everyday. Kung merong mga days na less than 2k, dapat merong mga days na much more than 2k ang laman para pag i-compute na yong average daily balance for the month, 2k or 2k+ ang average.
Hi ma’am if ever na hindi na 2k yunf remaining bal pero di ba umabot ng 1month pwede padin po ba siyang transferan ng pera matatangap padin po ba sa account ko if ever may mag padala kahit di na 2k yung remaining balance?
Hi John, active pa ang account mo at pede pang tumanggap ng pera kasi sabi mo wala pang one month na less than 2k at saka merong balance. Pag zero balance na, yon ang time na automatic mag-close. Halimbawa 2 months magkasunod na below 2k, merong penalty na 300, pero basta merong more than 300 pesos na laman, meron pa rin siyang balance kahit mabawasan ng 300 pesos, so active pa at hindi pa mag-automatic close. Pero pag hindi pa rin maintained the next month, at less than 300 na lang ang laman, mababawasan ng 300 at maging negative balance na, so automatic mag-close na.
hi maám Nora kapag po ba yung BDO card ko po 15 pesos nlang po yung laman pwede pa po ba sya ulit depositohan ng hindi po sya magkakacharge??? saka po ilan po ba talaga yung remaining balance po kapag BDO DEVIT CARD Po maraming salamat po.
Hi mary ann, try mong magwidro sa atm kung active pa ang debit card mo. Kung hindi na gagana o ang response ng atm machine ay “No account found,” ibig sabihin, closed na ang account mo. Kapag 2 or more months nang 15 pesos lang ang laman ng debit card mo, automatic mag-close na
HELLO MAM NORA KAPAG PO BA 15.00 NALANG PO UN NATIRA SA CARD KO PO ACTIVATED PAARIN PO BA YUN.
Hello po! Goodmorning. Ask ko lang po kung paano malaman kung nag apply na ang penalty? Oct 1 na po kasi hindi ko pa po nakikita yung penalty sa account ko po.
Hindi po kasi ako sure kung mapepenalty po ako.
July 27 accidentally po kasi nabawasan ng 1k ang account ko po which is may maintaining balance po na 2k.
Nabalik naman po agad yung nabawas by august 6.
Tapos august 26 din po nalamanan ko po ng 4,000 at by august 30 naman po ay due to emergency nagbelow po natira nalang ay 1k.
Hanggang september 30 po ang balance ko ay 1k. Di ko po nalamnan. Ilan po kaya penalty ko niyan? At oct 1 na po, paano makikita na napenalty na? Thanks po!
Hi Sage, hindi ka na-penalty noong August kasi na-maintain mo. Ito ang computation for you and others reading this:
Aug 1 to Aug 5: 5 days x 1k = 5k Aug 6 to Aug 25: 20 days x 2k = 40k Aug 26 to Aug 29: 4 days x 4k = 16k Aug 30 to Aug 31: 2 days x 1k = 2k Total of daily balances for Aug: 63k / 31 days = 2,032.25
Average daily balance mo is 2,032.25, which is higher than the maintaining balance requirement (2k). Dapat Oct 1, nagdeposit ka na para 2k ang total balance mo. Today is Oct 8, so dagdagan mo na ang balance mo, gawin mong mga 2,300. Kung bukas pa, gawin mong 2,400 ang balance mo everyday until Oct 31. If you find it hard to maintain your account, kasi you’re still starting to earn, mag-open ka ng digital account (Komo, GSave of GCash, Maya or CIMB) kasi ito ay mga non-maintaining but they are legitimate and BSP-licensed. Just guard your user name, password and your OTP and your phone. Put a password to your phone.
hi po ask ko lang pano po yung akin auto debit po account ko. 5 years napo ako naghuhulog don until malaman ko last month na monthly pala ako kinakaltasan ng 300 dahil below maintaining balance daw ako. hanggang sa nabawasan ng nabawasan ung hinuhulog ko monthly at nagkulang na sya ng umabot 15K+. pero wala naman ako palya sa paghulog. di ko namonitor account ko pero di din naman ako ininform ng bank. tama ba ginawa nila?
Hi AA, yes, the bank should have notified you. But check your auto debit agreement, there might be a statement there about the penalty for not maintaining your maintaining balance. I’ll check online if I can see a sample auto debit agreement. Or if there’s a BSP rule on notification regarding deductions. But I’m sad to tell you that in BDO’s Terms and Conditions that you signed when you opened your account, there’s a rule there about maintaining balance.
And the company you’ve been paying should also have notified you about your incorrect payment amount, unless your payment amount is a flexible amount, meaning you can pay any amount.
hi po nag comment din ako sa isang post mo. bank of commerce po yung bank ko. aware po ako sa charges pag nag below maintaining balance ako. pero pano nga po ako magbebelow maintaining balance e puro papasok lang po pera sa account ko di po ako nagwiwidraw. at upon opening may initial deposit yun at maintaining balance. sa loob ng 5 years di ako ininform ng bank. ngayon lang na umabot na ng 15K ang kulang sa hulog ko. meaning every month ang kaltas nila ng 300 and meaning every month nagiging kulang hulog ko. pwede po ba ako magreklamo
Hi AA, I researched the BSP Manual of Regulations for Banks at nakita ko na required lang ang banks na i-notify ang client kapag lang merong change in the amount of maintaining balance. Icheck mo kung nag-change ang minimum maintaining balance noong nag-open ka at noong nag-charge sila. Nakakalungkot lang na umabot sa 15k plus ang napunta lang sa penalty. Siempre pinaghirapan mo yan at masakit sa loob ang ganyan, pero para hindi ka masyadong ma-stress, i-treat mo na lang na expensive tuition yan para sa yo.
hi po nag comment din ako sa isang post mo. bank of commerce po yung bank ko. aware po ako sa charges pag nag below maintaining balance ako. pero pano nga po ako magbebelow maintaining balance e puro papasok lang po pera sa account ko di po ako nagwiwidraw. at upon opening may initial deposit yun at maintaining balance. sa loob ng 5 years di ako ininform ng bank. ngayon lang na umabot na ng 15K ang kulang sa hulog ko. meaning every month ang kaltas nila ng 300 and meaning every month nagiging kulang hulog ko. pwede po ba ako magreklamo
Hi AA, meron ka bang passbook? or record ng transaction history mo? Kasi kung yong initial deposit mo ay equal to the required maintaining balance, paano siya nabawasan kung hindi ka naman pala nagwiwidro? Meron bang charge sa Bank of Commerce ang auto debit? Check ko nga sa website nila
Hi AA, wala akong makitang auto debit form ng Bank of Commerce. I-check mo nga yong pinirmahan mo? Puede namang mag-file ng complaint sa BSP. Pero make sure mo muna na nasa tama ka, para hindi ma-waste ang time mo. At saka nire-require ng BSP na makipag-usap ka muna sa bank mo bago ka mag-file ng complaint sa BSP. So ang the best way muna ngayon is pumunta ka sa Bank of Commerce branch mo, at ipa-explain mo sa kanila bakit sila nagbawas ng maintaining balance penalty eh yong initial deposit mo ay yon na yong maintaining balance mo, at never kang nagwidro. At tanungin mo na rin bakit hindi man lang sila nagsend ng notification noong madalas na ang penalty?
Puede bang matanong kung ano yong binabayaran mo monthly at anong company?
home loan po. atm lang po meron pero never ko nagamit. kaya nga po nagrequest ako payment history sa bank pero mag due date nanaman ako wala pa din. baka kase yung ihuhulog ko this month mabawasan nanaman. so kung di nila ako nonotify sa pag babawas nila ng 300 para sa maintaining balance. e di rin bako inonotify na kulang yung binabayad ko monthly sa loan? kase nga di po ba nababawasan ng 300 meaning monthly di na sya tugma sa tamang monthly amortization ko.
Hi AA, nasubukan mo na bang magpunta sa branch mismo? At tanungin kung anong reason bakit nabawasan yong initial deposit mo 5 years ago? Makikita naman nila agad sa screen nila (kasi naka-online na naman ang mga account records) para masagot ka agad. Kasi kung over the phone lang, matatagalan yan. Kung andon ka sa counter kaharap nila, dapat masagot agad nila kung paano nabawasan yong account mo, starting from 5 years ago. By the way, mag-enroll ka sa Bank of Commerce online banking, para makita mo agad kung anong latest records mo, at para makita mo yong balance mo, at para mapunuan mo yong kulang mo para ma-maintain ang required monthly balance.
yes po kakaregister ko lang online banking naka -300 nanaman balance ko sa mababawasan nanaman kung magdeposit ako now. pupunta na din ako sa branch para malinawan. pero di ko po ba pwede ipawaive yun? grabe ang 15K para sa charge lang na di ako ininform in 5years
Hi aa, kumusta? Nakapunta ka na sa branch mo? I hope na-explain nila kung bakit nababawasan ka ng 300, at kung bakit nagsimula pa noong time na ang initial deposit mo ay equal to the required maintaining balance amount. By the way, sa online banking mo, kung hindi mo pa, nacheck, icheck mo yong Transactions, makikita mo yong latest balances mo and deductions.
Hello po, ung sakin po 6months na syang 0 balance, pero until now naoopen ko parin ung online banking ko, pwede ko parin po kaya kargahan ung atm ko? Amd kung oo, ung buong 6months po ba ung may penalty or once lng..
Hi Jerome, baka payroll account ang account mo? Kasi automatic na nako-close ang account once nag-zero balance. Na-check mo na ba kung nakakapag-balance inquiry ka pa rin sa atm?
Maam ask ko lang nagpadala po kasi galing korea sa bdo d ko pa alam na close na bdo ko anu po dapat gawin mkukuha ko pa ba yun? Or babalik yun sa nagpadala?
Hi Rosie, oo, kung close na ang account mo, ibabalik nila sa sender. Puntahan mo yong kung saan ka nagpadala at tanungin mo kung meron nang nangyari na naibalik ng BDO yong pinadala mo dahil closed account na yong BDO account mo at kung gaano katagal. Kung para sa family naman yong pinadala mo, mas mabilis kung i-amend mo na lang yong remittance mo, meaning sabihin mo sa remitter na iibahin mo yong recipient ng pinadala mo, na gagawin mo nang CASH for PICKUP at BDO at ipapadala mo sa tao (give the name and address, phone no, etc.). Bibigyan ka nila dapat ng reference number, at yan ang ibibigay mo sa kukuha over the counter sa BDO. Sabihin mo rin sa family mo yong name of remitter (Western Union ba? Woori Bank? Moneygram?)
hi po good afternoon po nung dec. 2021 po bumaba ang maintaining balance ko na dapat po ay 10k naging laman lang po ng saving ko is 6k po tapos wala pa naman po siya service charge na 300 hanggang feb 2022 po nung nagdeposit po ulit ako ng 4k nung feb. 2022 para mamaintain ko po ulit yung 10k after po nun nagkameron na po ko ng service charge na 300 monthly po ano po kaya dapat ko gawin para mawala yung service charge fee na 300 po. sayang po kasi eh.
Hi Cherry Mae, bale nagka-penalty ka ng 300 pesos monthly mula Feb 2022 up to Dec 2022? So ang total deductions mo is 3,300 pesos?
hi po may tanong po ako, 2mos po akong nag fall under maintaining balance. Tapos yung binawas po sakin agad ay 600 pesos. Pero para sa akin i think worth 2mos na yung bawas kaya 600? idk. so tanong ko po until when po ba sila magbabawas ng 300 pesos?
Hi yanna, oo, yong 600 na penalty ay para sa 2 months na hindi mo na-maintain ang account mo. Kung tutuusin, 3 months. Halimbawa, na-charge ka noong Feb 28 or March 1, it means hindi mo na-maintain ang account mo noong Jan and Feb. Na-charge ka ng 300 noong Jan 31 or Feb 1 kasi hindi mo na-maintain ang account mo noong Dec 2022 and Jan 2023. Kung hindi mo na-maintain ngayong March, meron ka uli 300 deduction this March 31. Dapat before April, or on April 1, meron ka nang 2k pesos or more sa account mo at huwag mong widrohin. Kung passbook account naman, dapat meron ka nang 10k sa account mo at huwag mong widrohin.
hi maam nora paano po kung naubos po ung maintening balance, tapos po s asawa ko yung atm n nasa ibang bansa pwede po ba ako magbayad ng penalty at ihulog ko po ulit ung 2k
Hello may 2k ako sa account ko pwede koba bawasan ng 600? Babalik naman next week ng may
Hi Rome, ngayong araw mo bawasan, May 1, para month of May ka lang hindi maka-maintain. Kung April at May ka hindi maka-maintain, meron kang penalty na 300 sa May 31
Hello po, from the month of December po nabawasan ko yung maintaining balance ko then nung End of February nabawasan po ng 300 kaya binalik ko na kasi sabi 2 consecutive month ang bawasan kapag nakadalawang buwan di na maintain yung balance, then until now na end of April nagbawas pa rin ng 300, to sum up po nakaka 900 na charge na po from Feb-April. How can I avoid charges eh above maintaing balance na ang nasa account ko from Feb pa po.
Hi Cheerrymie, ang account mo ba ay yong atm savings account na 2k ang maintaining balance requirement? Dapat araw-araw, magmula sa simula ng month hanggang sa end of month, andon ang 2k pesos. This month of May, dapat nasa account mo ang 2k everyday from May 1 to May 31. Halimbawa lang nahihirapan kang mag-maintain kasi nag-start ka pa lang sa work, mag-open ka ng account sa mga zero-maintaining accounts, like Maya savings, Komo savings, OF Bank, Union Digital.
Hi Nora. Last April hindi ko na maintain ang balance na 2k ng savings account ko. And last week nag withdraw ako ng 1k from my maintaining balance, so 1k nalang natira. Mag pepenalty parin ba pag nag 2k ulit before May 31?
Hi Ms. Nora. Last April di ko na maintain ang 2k maintaining balance ko. May 5 pa naging 2k plus. Last week nag withdraw ako ng 1k from my maintaining balance. Mag pepenalty parin ba ako pag naging 2k ulit yung balance before May 31?
Hi Kaye, yes, magpe-penalty ka pa rin, kasi sabi mo hindi mo na-maintain last April, at hindi mo rin mame-maintain this month of May, so magkasunod na 2 months na hindi maintained, so meron kang 300 penalty on May 31, kahit 2k uli ang balance before May 31. Para ma-maintain ang account, dapat merong 2k sa account everyday of the month, from 1st day of the month to the last day of the month. Kung nahihirapan kang mag-maintain, kasi nag-uumpisa ka pa lang, pedeng mag-open ka ng Maya account. Ang Maya ay e-wallet at savings account. Digital savings bank siya na licensed by the BSP at insured ang deposit by PDIC. At pag-aari siya ng owner ng Meralco, PLDT, etc. At hindi required ang maintenance. Mataas pa ang interest rate ng deposit.
Pag na maintain ko na po ba sa June magkaka penalty parin at the end of june?
Hi Kaye, yes, kung nagdeposit ka ng 2k noong June 1 or May 31 or before, at laging nasa account mo ang 2k, everyday from June 1 to June 30, hindi ka na magpenalty.
bdo
why is happen my balance less for purpose 300 service charger
bdo
why is happen my balance less for purpose 300 service charger
Hi ylena, kapag hindi mo na-maintain ang account sa magkasunod na 2 months, magkakaroon ka ng 300 penalty sa last business day ng 2nd month. Kung atm account ang account mo, ibig sabihin 2k pesos dapat ang laging nasa account mo, everyday. Pede namang hindi 2k everyday kung malaki ang deposit sa ibang araw. Kung hindi kelangang BDO ang account mo, puede namang mag-open ka ng account sa Maya or Union Digital or GSave via CIMB/GCash para walang penalty kahit walang laman ang account. Licensed banks ang Maya, Union Digital at CIMB (which operates GSave)
Hello po, nung May po hindi ko namaintain yung account ko and natira po is 200 so nung May 31 po dineduct po nila yung 200 sa account ko kaya naging zero balance. Then nung June 1 po nakapagdeposit parin po ako sa account ko and hindi parin po closed. Bali ngayong june po balak ko po sana mag iwan ng 600 para sa -100 ko nung May and sa penalty ko po this June since hindi ko rin po namaintain yung 2k. So may matitira po na 200 sa account ko para hindi po mag zero ulit yung balance. Okay lang po ba yun? Sa July 5 pa po kasi ako makakapagdeposit ulit
Hi Denz, nagtaka ako na hindi na-automatic closed ang account mo noong naging negative. Ang inisip ko tuloy is ang policy nila is not to automatically close ang mga negative para masingil pa nila yong kulang sa penalty. Yong plano mo, pede naman, kasi sabi mo nakapagdeposit ka, which means active pa ang account mo. I’m assuming na kelangan mo itong account na ito kaya willing ka na magbayad ng penalty. Kaya I think ok naman ang plano mo. Dapat sa July 1, meron ka nang at least 2k sa account mo, at huwag mo nang widrohin, para ma-maintain na ang account mo this month of July. Just in case, pede ka sa ibang banks, yong mga purely digital accounts ngayon ay wala nang required maintaining balance, kagaya ng Maya, GSave of CIMB thru GCash, GoTyme, UnoBank, UnionDigital
Hi! If I deposit po be or withdraw every other month, mababawasan padin po sya ng 300 pesos?
Hi Mai, kung ang ibig mong sabihin ay ma-maintain mo ang account mo every other month, hindi ka mababawasan. Basta hindi magkasunod na dalawang buwan yong hindi mo na-maintain. Ang pag-maintain ay ibig sabihim meron kang 2k pesos or more EVERYDAY sa account from the first day of the month to the last day of the month.
Hi, mababawasan po ba ng 300 pag naibalik ang 2k sa bdo bago mag end of the month 28-29?
Hi Jireh, walang penalty kung maintained mo ang account mo last month of July. And make sure na ma-maintain mo ang account mo sa month of September. To maintain, yong balance dapat ng account mo is 2k or more EVERYDAY of the month. Puede naman yong merong araw na less than 2k basta merong mga days na much higher than 2k ang balance.
hello, i have exact 2k remaining balance in my account, if i withdraw 1k po today and ibabalik ko sya within this month na rin, safe pa po ba no penalty ? ty for your answer.
Hi pawee, basta maintained ang account mo last month of July at ma-maintain mo sa next month of September, walang penalty, kasi one month ka lang hindi naka-maintain. Kung both July at August o kaya both August at September, hindi mo ma-maintain, meron kang penalty. Two consecutive months not maintained, merong penalty.
ok po thank u, maintained nman po ang account since start, and now ko lang po mag decide na magwithdraw below the maintaining balance, and I will return/deposit it immediately po within this month, badly needed lang din kasi, anyway, ty so much po sa info. it’s a big help.
Hello po. Nag open po ako online ng acc sa bdo last yr 2022 po. Pag punta ko po sa bdo mismo, hindi po nirelease yung atm ko since kulang daw po ako ng proof of income nawalan kasi ako ng work non PERO pinag initial deposit na po ako ng 2k. Balik nalang daw po ako para iclaim yung atm ko pag nakumpleto ko na requirements ko. So 2023 na po and nawala na sa isip ko na balikan yung atm ko po and balak ko sana iclose nalang yung acc. Ang question ko po is makukuha ko pa po ba yung 2k na initial deposit ko? Thank you po
Hello po what if binawasan ko yung 2k naiwan sa debit ko ng 300 this august 30 and sa sept (any date) ko pa siya maibabalik magkaka penalty po ba ako?
Hi James, wait for Sep 1 bago mo bawasan para hindi ka magka-penalty. Kasi pag binawasan mo this Aug 30, hindi mo na-maintain ang account mo ng August. At kapag di mo naibalik to 2k balance on Sep 1, hindi mo rin ma-maintain this Sep, so dahil 2 consecutive months na hindi maintained, merong 300 deduction on the last business day of Sep. Mahahabol mo naman ang 2k average daily balance for the month kung much more than 2k ang balance mo for many days, pero kung 2k lang, dapat everyday nasa account mo ang 2k to maintain your account. At dapat one month ka lang hindi maka-maintain, huwag dalawang magkasunod na buwan.
HI PO PAG PO BA D KA NA KAPAG DEPOSIT BUONG ISANG MONTH MAY PENALTY NA PO KAYA YUN? PERO 2K PADN NMN PO YUNG BALANCE KO DON. EXAM
Hi Marinelle, walang penalty kapag hindi ka nakadeposit sa isang buwan o maraming buwan. Ang merong penalty ay kapag hindi ka nagdeposit o nagwidro within 2 years at kapag less than 2k ang average daily balance ng account mo sa magkasunod na dalawang buwan.
maam ask ko lang po what time po usually nag dedeuct bdo mg 300 at the end of the month? sana po masagot
Hi Jaja, hindi “at the end of the month.” On the last business day of the month. Halimbawa, end of the month falls on a Sunday, Saturday or holiday, ang deduction day is the Friday before. What time? Their last processing hour, mostly 9pm to 10pm.
Hello does the ADB is computed every end of the day? for example you fall below the maintaining balance. Then before this day end you deposit to compensate for falling below the maintaining balance. Does today ADB will be computed as 2K already or it needs 24hours?
Hi Dauntless, the ADB is auto-computed once a month, on the last business day/business hour of the month. Daily balance is the end of day balance. For example, your balance this morning is 5k, then you withdraw later and your balance at 10pm is 2k, the bank considers 2k as your balance for today. Yes, if you deposit before the end of business day, your deposit will be included in the total balance for the day.
Hello po, ask ko lang po bakit po may nadeduct sa savings ko na 300 while may 5k plus pa pong balance yung acc ko. Thank you po!
Hi Ahn, this is similar to Yooni’s question. Baka passbook account ang account mo. 10k ang maintenance ng passbook account. Kung atm account naman, baka yong 5k mo ay andon lang sa account mo for a few days, at sa maraming araw, less than 2k ang laman. This means na ang naging average daily balance mo for 2 months (Dec 2023 and January 2024) ay less than 2k. Ganun nga ba ang laman ng account mo?
Hello po ask ko lang po bakit bigla po nag deduct ng 300 sa acc when i still have more than 6k in my acc. January 31 po siya nabawasan bigla, 6800 ang laman noon tas now po pag check ko ngayon feb 7 6500 nalang po.
Hi Yooni, baka passbook account ang account mo. 10k ang maintenance ng passbook account. Kung atm account naman, baka yong 6k mo ay andon lang sa account mo for a few days, at sa maraming araw, less than 2k ang laman. This means na ang naging average daily balance mo for the months of Dec 2023 and January 2024 ay less than 2k. Ganun nga ba ang laman ng account mo?
Hello po, ask ko lang po bakit po nabawasan pa din yung savings ko kung ang laman na po ng acc ko is 10200 nag hulog po ako ng 1000 nung feb 28 bago mag end yung month. Tapos ngayon po ay nabawasan na naman po ako ng 300 bakit po kaya? Ayun lang po thank you. and yung account ko po pala is may passbook.
Hi Maddy, dahil 10200 na ang balance simula ng March, hindi ka na mababawasan, kasi every day from March 1, at least 10k na ang laman. Nabawasan ka pa rin noong Feb, kasi hindi every ng Feb ay at least 10k ang laman. Dapat everyday of the month, at least 10k ang laman para ang average daily average balance mo ay 10k pa rin.